Zeinab Harake, sinabing si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa DoLaiNab

Zeinab Harake, sinabing si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa DoLaiNab

- Ayon kay Zeinab Harake, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab

- Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres

- Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama

- Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Zeinab Harake ang kanyang video na Namedrop Challenge, inisa-isa niyang pinangalanan ang mga taong sa tingin niya ay tugma sa mga paglalarawang binanggit sa kanya.

Zeinab Harake, sinabing si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa DoLaiNab
Zeinab Harake, sinabing si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa DoLaiNab (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Ang DoLaiNab ang tawag sa pagkakaibigan nila nina Donnalyn at Jelai Andres.

Read also

Skusta Clee, nag-post ng picture kasama ang mga anak bilang paggunita ng Father's Day

Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel