Skusta Clee, nag-post ng picture kasama ang mga anak bilang paggunita ng Father's Day

Skusta Clee, nag-post ng picture kasama ang mga anak bilang paggunita ng Father's Day

- Nag-post si Skusta Clee ng isang digital art kung saan kasama niya ang kanyang ama at ang anak na si Bia

- Makikita din ang isang bata na mayroong halo na para sa mga netizens ay pagsasalarawan sa anak nila ni Zeinab Harake na si Moon

- Ilang beses na ring naghayag ng kanyang kagustuhang makasama niya ang anak na si Bia

- Gayunpaman, matatandaang nauna nang sinabi ni Zeinab sa mga naunang panayam sa kanya na ayaw niyang ipakita ang mga anak niya kay Skusta Clee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Skusta Clee ng Instagram post kung saan makikita ang isang digital art ng larawan na kasama niya ang dalawang anak na sina Bia at Moon. Kasama sin niya doon ang kanyang ama.

Skusta Clee, nag-post ng picture kasama ang mga anak bilang paggunita ng Father's Day
Skusta Clee, nag-post ng picture kasama ang mga anak bilang paggunita ng Father's Day (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Facebook

Wala itong ibang mensahe sa naturang post kundi pagbati para sa Father's Day. Sa kabila ng mga negatibong komento, may mga netizens na bumati kay Skusta Clee at naghayag ng kanilang hiling na makasama ni Skusta ang kanyang anak.

Read also

Toni Fowler: "Sustento muna bago kita batiin ng Happy Father's Day"

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Zeinab Harake si Skusta Clee ang sinisisi niya bilang pinagmulan ng gulong kinasasangkutan niya. Inamin niya ang akusasyong sinira umano niya ang studio ni Skusta Clee na ginagamit nila sa recording. Ani Zeinab, pera naman niya ang ginamit niya doon at naglabas pa ito ng notebook kung saan nakalista ang mga ginastos niya. Maging sa mga personal na gamit umano ng dating partner niya at mga pagpapaayos ng sasakyan niya ay si Zeinab ang gumastos.

Sinagot ni Skusta Clee sa kanyang live sa Instagram ang ilang mga katanungan ng mga netizens. Aminado si Skusta na may nagawa talaga siyang mali kaya naiintindihan niya umano ang desisyon ni Zeinab na huwag ipakita sa kanya ang anak nila - Sobrang bilib naman daw siya sa pagiging nanay ni Zeinab sa anak nilang si Bia na aniya ay sobrang na-miss niya na - Humingi din siya ng tawad kay Zeinab sa naturang video at sinabi niyang hindi naman siya perpektong tao.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel