Zeinab Harake, inaming sinira niya ang studio ni Skusta Clee

Zeinab Harake, inaming sinira niya ang studio ni Skusta Clee

- Ayon kay Zeinab Harake si Skusta Clee ang sinisisi niya bilang pinagmulan ng gulong kinasasangkutan niya

- Inamin niya ang akusasyong sinira umano niya ang studio ni Skusta Clee na ginagamit nila sa recording

- Ani Zeinab, pera naman niya ang ginamit niya doon at naglabas pa ito ng notebook kung saan nakalista ang mga ginastos niya

- Maging sa mga personal na gamit umano ng dating partner niya at mga pagpapaayos ng sasakyan niya ay si Zeinab ang gumastos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Zeinab Harake, si Skusta Clee ang pinagmulan ng lahat ng gulong kinakasangkutan niya ngayon. Inamin niya ang akusasyong sinira umano niya ang studio ni Skusta Clee dahil pera naman daw niya ang pinanggastos doon.

Zeinab Harake, inaming sinira niya ang studio ni Skusta Clee
Zeinab Harake, inaming sinira niya ang studio ni Skusta Clee (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay nilabas pa niya ang notebook kung saan nakalista ang umano'y ginastos niya mula sa mga personal na gamit hanggang sa pagpapaayos umano ng sasakyan ni Skusta.

Read also

Sachzna Laparan, aminadong nasasaktan sa mga lumabas na isyu

Matatandaang nilabas ni Zeinab na kaya sila naghiwalay ni Skusta Clee ay dahil niloko umano siya nito at inamin umano ito sa kanya ng ex.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa nilabas na video ni Wilbert ay nabanggit niya na winasak umano ni Zeinab ang buong studio ni Skusta Clee noong naghiwalay sila. Aniya, maging ang mga files ay nasira lahat at aniya ay nadamay pati ang kabuhayan ng mga kasamahan ni Skusta.

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Read also

Wilbert, kalahating milyon umano ang na-sponsor sa intro ng YT channel ni Zeinab

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel