Video ng JakBie na magkasama sa GMA Gala, nagpakilig sa netizens

Video ng JakBie na magkasama sa GMA Gala, nagpakilig sa netizens

- Nagpakilig sa netizens ang video ng tambalang JakBie na kuha sa GMA Gala

- Makikitang papasok pa lamang sa naturang event ang dalawa ay todo alalay si Jak sa nobyang si Barbie

- Inakala kasi ng marami na hindi sila magkasama sa gabing iyon gayung magkahiwalay na pumasok at nagpakuha ng larawan sina Barbie at Jak

- Kamakailan, marami-rami na ang pumupuri kay Barbie hindi lang sa husay nito sa kanyang larangan kundi maging sa kanyang mabuting ugali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpakilig sa netizens ang behind the scene video nina Jak Roberto at Barbie Forteza sa GMA Gala night noong July 22.

Video ng JakBie na magkasama sa GMA Gala, nagpakilig sa netizens
Barbie Forteza and Jak Roberto
Source: Instagram

Inakala kasi ng marami na solo na dumating si Barbie sa naturang gabi. Subalit bago sila pumasok sa mismong venue, magkasama ang 'Jakbie'.

Read also

Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"

Sa video na naibahagi ni @jakevalente ng TikTok, makikitang inaalalayan ni Jak si Barbie habang ito ay nakakapit sa kanya sa pag-entrance nito sa naturang gala.

Kaya taliwas sa iniisip ng marami na tila kanya-kanya ang dalawa sa pagpunta sa naturang event, patunay lamang ang video na matatag pa rin ang Jakbie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng video.

Si Barbara Ambas Forteza na mas kilala bilang si Barbie Forteza ay Filipino actress, comedian, dancer, singer, host, at vlogger. Kamakailan lamang, labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Klay sa Maria Klara at Ibarra. Pumatok din sa kanilang mga tagasubaybay ang nabuong love team sa serye na 'FiLay' kung saan nakapareha niya si David Licauco bilang si Fidel.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay David, nasabi ng Kapuso actor na sa kanyang palagay ay nauunawaan naman ng real-life boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto ang love team 'FiLay' gayung isa rin umano itong artista. Lalo na nagbukas sa iba pang mga oportunidad ang naturang pagkakapareha. Gaya na lamang sa bagong music video ng Ben & Ben sa version nila ng 'The Way you look at me' kung saan sina Barbie at David ang naroon.

Read also

Anne Curtis, nakatanggap ng mensahe mula sa ini-endorsong food chain: "Best friends pa rin tayo!"

Kamakailan lang, umani ng kabi-kabilang papuri si Barbie. Isa na rito si Ivana Alawi kung saan nilarawan niya na 'nicest person' sa GMA ang naturang Maria Klara at Ibarra star. Ito ay sa dami na umano niyang dinanas na nagmaldita pa sa kanya sa panahong isa pa umano siyang Kapuso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel