Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"

Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"

- Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang saloobin kaugnay sa mga content creator na nagvi-video sa studio

- Ito yung umano'y gumagawa ng content sa pamamagitan ng pagli-lip read sa mga artistang nakukuhanan nila ng video

- Ani Vice Ganda, nakaka-offend din dahil deserve din nila ng privacy na makapag-usap sila bilang mga magkakaibigan

- Gayunpaman, may mga tao daw na hindi nirerespeto ang privacy ng

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Vice Ganda ang aniya'y nararanasan ng mga taong sumisikat. Sa Tawag ng Tanghalan segment ng It's Showtime, sinabi niyang nakaka-offend yung ilang content creator na kumukuha ng video mula sa pag-uusap nila sa studio at ili-lip read sa kanilang content.

Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"
Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"
Source: Youtube
“May mga madlang people na nagvi-video tapos nili-lip read tayo sa TikTok, that’s so bad,”

Read also

PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner

Aniya, ang mahirap pa ay baka mali ang kanilang pag lip read at minsan ay sinasadyang gawing nakaka-intriga ang mga anggulo para mapag-usapan ang kanilang content.

“Syempre nakaka-offend sa part namin kasi deserve din naman namin ng privacy at mag-usap usap bilang magkakaibigan. Pero nili-lip read nila at ang nakakatakot kapag mali ‘yung sinasabi,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, nakakalungkot na nilalampasan ang kanilang privacy.

“Masarap na nare-recognize tayo pero minsan talaga pero minsan talagang nilalampasan nila, ‘Wala, walang privacy rito. Kailangan lahat alam namin. Kailangan lahat pakiki-alaman namin.’ That’s nakakasad sometimes,”

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel