Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner

Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner

- Masayang idinetalye ni Andrew Schimmer ang tungkol sa love story nila ng girlfriend na si Dimps

- Sa una'y inakala niyang malaki ang pagkakapareho nito sa yumaong partner

- Ngunit habang tumatagal, sila umano ang maraming pinagkakapareho at napapagkasunduan

- Naikwento rin niyang ka-birthday ito ng yumaong partner na si Jho Rovero

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naidetalye ni Andrew Schimmer ang tungkol sa love story ng kanyang fiancée na si Dimps.

Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner
Andrew Schimmer (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Aniya, "right timing" umano ang pagdating ni dimps sa buhay niya sa panahong tila hindi niya umano kinakaya ang mga nangyayari matapos na pumanaw ang dating partner na si Jho Rovero.

"Hindi ko naman siya hinahanap. Hindi namin pinuwersa 'yung mga bagay-bagay, Naawa si God sa akin. Sabi niya siguro, Diyos ko anak sige eto na nga."

Read also

PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner

Kwento ni Andrew, may common friend umano sina Dimps at Jho ngunit hindi sila dating magkaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi namin kilala ang isa't isa , hindi siya pamilyar sa'kin at all. Actually hindi niya alam na artista ako"

Makailang beses sila at kanyang mga anak na nagbalak pumunta sa resort nina Dimps na kanyang ipo-promote ngunit hindi ito natutuloy.

"Naisipan niya that time na baka pwede kong i-promote. So 'dun nagstart. That time ang iba-vlog ko yung resort nila. So that time 'yun lang yung papel ko sa buhay niya"

Hanggang naisipan na laman niyang gumawa ng promotional video kahit wala siya sa mismong resort.

Tila na-appreciate ito ni Dimps na nagsimula umano ng madalas nilang pag-uusap.

At nang magsimula nga ang kanilang relasyon, sa umpisa'y inakala niyang maraming pagkakaparehas sina Dimps at Jho lalo na at magka-birthday pa ang dalawa.

Read also

Cristy, dinipensahan si Barbie Imperial: "Hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez"

Subalit, habang tumatagal, sila palang dalawa ni Dimps ang maraming napapagkasunduan.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Julius Babao Unplugged YouTube:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings. Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa. Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel