Cristy, dinipensahan si Barbie Imperial: "Hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez"

Cristy, dinipensahan si Barbie Imperial: "Hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez"

- Dinipensahan ni Cristy Fermin si Barbie Imperial na umano'y nali-link kay Richard Gutierrez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang kamakailan ay mabilis na naging usap-usapan ang larawan kung saan makikitang magkatabi sina Barbie at Richard

- Si Cristy mismo ang nagsabing wala umanong namamagitan sa dalawa

- Matatandaang naging matunog ang hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na wala pang malinaw na kumpirmasyon mula sa kanila

Umano'y dinipensahan ni Cristy Fermin si Barbie Imperial na kamakaila'y naiuugnay sa aktor na si Richard Gutierrez

Cristy, dinipensahan si Barbie Imperial: "Hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez"
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ani Cristy, naaawa umano siya kay Barbie na nadadawit ang pangalan sa kontrobersiyang kinakaharap ni Richard.

"Sa isang banda, ako'y naaawa naman kay Barbie imperial. Unang- una, wala naman pong katotohanan na may relasyon sila ni Richard," pauna ni Cristy.

Read also

Janno Gibbs, umano'y napamura sa nagpakalat ng video ng ama: "Shame on you"

"Nagkatagpo lang sila, nagkataon lamang po 'yun na nagkita sila sa isang bar. Umupo lamang po si Richard sa tabi ni Barbie. Wala pong katotohanan na binantayan niya si Barbie hanggang CR. Kalokohan po 'yun, OA na po yun to the highest degree. Nagkita lamang po sila sa isang bar at dahil konektado sa hiwalayan si Richard kay Sarah, natural doon na-focus ang atensyon ng mga naroon," dagdag pa nito.

Nagpaalala rin si Cristy sa publiko lalo na iyong nakapagbibigay ng mga hindi kagandahang komento kay Barbie.

"Hindi po natin dapat na husgahan at maliitin si Barbie Imperial. Unang-una, wala po siyang kasalanan dito. at hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez. Wala pong ganun."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya kahit nauwi rin ito sa hiwalayan.

Read also

Alora Sasam, binahagi ang video ng pag-bowling ni Kathryn Bernardo: "Pikon na siya"

Samantala, maging si Ogie Diaz ay nagbahagi ng kanya umanong nasagap patungkol sa mabilis na nag-viral na larawan nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.

Ayon sa kanyang source, ilang minuto lamang na nagkatabi ang dalawa. Ito ay dahil kaibigan din ni Richard Gutierrez ang mga kasama ni Barbie na kapwa may-ari ng nasabing bar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel