Janno Gibbs, umano'y napamura sa nagpakalat ng video ng ama: "Shame on you"

Janno Gibbs, umano'y napamura sa nagpakalat ng video ng ama: "Shame on you"

- Naluha si Janno Gibbs habang nagbibigay mensahe sa mga nagpakalat ng video ng amang si Ronaldo Valdez

- Matatandaang ilang araw matapos pumanaw ni Ronaldo, kumalat ang video na kuha umano mismo sa kwarto kung saan siya natagpuan

- Hindi na rin napigilang mapamura ni Janno sa mga taong para lamang umano magkaroon ng 'likes and views' ay nagawan siya ng fake news

- Matatandaan na noong Disyembre 17 noong nakaraang taon, gumulantang sa publiko ang balitang sumakabilang buhay na Ronaldo Valdez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal si Janno Gibbs habang nagbibigay mensahe sa mga umano'y nagpakalat ng video ng huling sandali ng amang si Ronaldo.

Janno Gibbs, umano'y napamura sa nagpakalat ng video ng ama: "Shame on you"
Janno Gibbs (ABS-CBN News)
Source: Youtube

Sa ginanap na press conference kaugnay sa imbestigasyon ng pagkamatay ng batikang aktor, nagbigay mensahe rin si Janno sa mga taong nagawang ikalat pa ang naturang maselang video at sa mga nagpakalat umano ng fake news na tila pinalalabas na may kaugnayan siya sa pagkamatay ng ama.

Read also

Janno Gibbs, 'di na sasampahan ng kaso ang mga nagpakalat ng video ng ama

"Gusto ko lang sabihin sa inyo, 'dun sa mga nabanggit ko, ganito na ba kababa, kadesperado ang mga vloggers for likes and views? At the expense of our lives, my father's reputation, my family? Ganu'n na ba kadesperado?"
"Sa kanilang lahat, ng mga nabanggit ko pati netizens na nag-share, na nagpasa ng video... I want to say shame on you or better yet f*** you. I think that's the better statement"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ayaw ko nang mangyari sa ibang tao itong nangyari sa amin."

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa naturang press con mula sa ABS-CBN News kung saan kasama rin ni Janno ang misis na si Bing Loyzaga at kapatid na si Melissa Gibbs. Naroon din ang abogado nina Janno na si Atty. Lorna Kapunan.

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Read also

Gloc-9, ikinuwento paano noon napapayag si Boy Abunda sa music video ng 'Sirena'

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siya pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Agad ding nabalikan ng netizens ang birthday post ng anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs kung saan nabanggit nito ang kanilang pelikula na inaasahang ipalabas sa Enero ng 2024. Ayon pa sa post ni Janno sa huling kaarawan na pala ng kanyang ama noong Nobyembre, masaya siyang naging direktor ng kanyang ama. Makikitang nagkomento pa roon si Ronaldo at sinabing proud siya kay Janno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel