Pelikula ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs, inaasahang mapapanood pa rin sa Enero

Pelikula ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs, inaasahang mapapanood pa rin sa Enero

- Inaasahan ng marami na mapapanood pa rin ang pelikula ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs na ipalalabas sa Enero 2024

- Matatandaang sa birthday post ni Janno sa kanyang ama nito lamang Nobyembre, nabanggit niya ang tungkol sa kanilang pelikula

- Ito rin ang unang pagkakataon na maging direktor siya ng kanyang amang si Ronaldo

- Disyembre 17 nang pumanaw ang aktor na si Ronaldo Valdez sa loob mismo ng kanyang tahanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez nito lamang Disyembre 17.

Pelikula ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs, inaasahang mapapanood pa rin sa Enero
Ronaldo Valdez at Janno Gibbs (@jannolategibbs)
Source: Facebook

Kaugnay nito, inalala ng mga netizens ang birthday greeting ni Janno Gibbs sa amang si Ronaldo noong Nobyembre.

Sa naturang post, nabanggit ni Janno ang tungkol sa pelikula nila ng kanyang ama na mapapanood sa mga sinehan sa Enero.

Read also

Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa

"What a joy to share the screen w/ you. And such a priviledge to have directed you. We had fun,didnt ddnt we?! Labyu. Our film arrives in cinemas this January"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, marami ang umaasang mapapanood pa rin nila ang naturang pelikula sa kabila ng pagpanaw ni Ronaldo.

Hanggang sa oras na isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ni Ronaldo ukol sa kanyang pagkamatay.

Samantala, sa ulat ng Daily tribune nasabi ni QCPD Director P/Brig. Gen. Red Maranan na hinihintay pa rin nila umano ang resulta ng isinagawang lab test ng SOCO upang makumpirma ang pagkamatay ng aktor.

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon.Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Read also

QCPD sa cause of death ni Ronaldo Valdez: "May inintay pa result ng lab before we conclude"

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siyang pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Katunayan, isa si Kathryn sa nagpaabot ng pagkalungkot at pakikiramay nang lumabas ang balitang pumanaw na ang kanyang 'Lolo Sir'. Ilan sa kanyang mga social media post ay patungkol kay Ronaldo na aniya'y para na rin niyang tunay na lolo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica