Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa

Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa

- Kinumpirma ni Janno Gibbs ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang amang si Ronaldo Valdez

- Hiling daw ng kanilang pamilya na irespeto ang kanilang privacy sa kanilang pagluluksa

- Bumuhos ang pakikiramay kay Janno at sa kanilang pamilya sa pagkawala ng batikang aktor

- Lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng ama niya kahapon, December 17

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng pahayag si Janno Gibbs kaugnay sa pagpanaw ng kanyang ama. Hiling ng kanilang pamilya na igalang ang kanilang privacy sa kanilang pagluluksa.

Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa
Janno Gibbs, humiling ng privacy sa kanilang pagluluksa
Source: Instagram
It is with great sorrow that I confirm my father's passing. The family would like to request that you respect our privacy in out grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya. Matatandaang, kahapon, December 17, 2023 ay lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng beteranong aktor pero walang inilabas na pahayag kaugnay sa dahilan ng pagpanaw nito.

Read also

Pelikula ng mag-amang Ronaldo Valdez at Janno Gibbs, inaasahang mapapanood pa rin sa Enero

Ikinalungkot ng marami sa showbiz industry ang pagpanaw ni Ronaldo. maging ang fans ng KathNiel ay ikinalungkot ang balita.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang, isa sa huling seryeng ginawa niya ay ang Too Good To be True kung saan nakilala siya bilang si Lolo Sir.

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Matatandaang inamin ni Janno na minura talaga niya ang dating katrabahong si KitKat Favia. Ikinuwento niyang pwede silang makabalik sa show kung makakapag-ayos sila ni KitKat. Kaya naman dalawang linggo umanong sinubukan niyang makipag-ayos kay KitKat ngunit ayaw na umano niya talaga. Bago lumabas ang kanilang mga post ay pinag-meeting sila at humingi ng dispensa si Janno ngunit hindi umano humingi ng dispensa sa kanya si Kitkat.

Read also

QCPD sa cause of death ni Ronaldo Valdez: "May inintay pa result ng lab before we conclude"

Kamakailan ay binahagi ni Rendon Labador ang video na kuha sa kanyang guesting sa One News Channel sa programang The Mens Room. Makikita sa kanyang video ang pagdidiskusyon nila nang tila nagkainitan at nag-walkout si Janno. Lingid sa kaalaman ng host na si Stanley ay napagkaisahan pala siya nina Rendon at Janno na i-prank. Sa huling bahagi ng video ay bumalik si Janno at itinuloy ang kanilang talakayan sa programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel