Rendon Labador, binahaging kinasabwat ni Janno Gibbs na i-prank ang host na si Stanley

Rendon Labador, binahaging kinasabwat ni Janno Gibbs na i-prank ang host na si Stanley

- Binahagi ni Rendon Labador ang video na kuha sa kanyang guesting sa One News Channel sa programang The Mens Room

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Makikita sa kanyang video ang pagdidiskusyon nila nang tila nagkainitan at nag-walkout si Janno

- Lingid sa kaalaman ng host na si Stanley ay napagkaisahan pala siya nina Rendon at Janno na i-prank

- Sa huling bahagi ng video ay bumalik si Janno at itinuloy ang kanilang talakayan sa programa

Inilabas ni Rendon Labador ang video ng umano'y pag walkout ni Janno Gibbs sa gitna ng kanilang pag-uusap sa programang The Mens Room ng One News Channel. Si Rendon ang guest nila sa naturang show.

Rendon Labador, binahaging kinasabwat ni Janno Gibbs na i-prank ang host na si Stanley
Rendon Labador, binahaging kinasabwat ni Janno Gibbs na i-prank ang host na si Stanley
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Leren Mae Bautista kay Ricci Rivero: “Wag ka maglaba, ako na"

Bago magsimula ang show ay nakapag-usap na sina Janno at Rendon. Kinausap ni Janno si Rendon na i-prank nila si Stanley. Makikita naman sa video na todo-hingi ng dispensa si Stanley kay Rendon dahil sa ginawa ni Janno.

Natawa na lang ito nang muling bumalik si Janno para sabihing 'It's a prank!'

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Vince Flores, binilihan ng sapatos si Tyronia: "Kahit wala akong karapatan sa'yo bibilhan kita"

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel