Coco Martin sa pambabatikos sa kanya: "Ako naman inuunawa ko na lang sila"

Coco Martin sa pambabatikos sa kanya: "Ako naman inuunawa ko na lang sila"

- Nagsalita na si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo

- Sa isang video na binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post, sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya

- Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post

- Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Rendon Labador ang isang video kung saan makikita si Coco Martin na nakikipag-usap sa mga kasamahan niya at nabanggit ang tungkol sa pangbabatikos ni Rendon sa kanya. Sinabi ni Coco na hayaan na lang at inuunawa na lamang niya ang ginagawang ito ni Rendon.

Read also

Rufa Mae Quinto, nawalan ng apat na milyong piso sa negosyo

Coco Martin sa pambabatikos sa kanya: "Ako naman inuunawa ko na lang sila"
Coco Martin sa pambabatikos sa kanya: "Ako naman inuunawa ko na lang sila" (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Maririnig din sa naturang video ang pagbanggit ni Coco na sinubukan din nilang kunin si Rendon at ang kapatid nito ngunit hindi lang natuloy.

Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post.

Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.

Read also

Dalawang kapatid ni Coco Martin, bahagi rin ng FPJ Batang Quiapo

Kamakailan ay namataan si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9. Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno. Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo.' Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.

Samantala, labis umano na nakaka-relate si dating Manila city Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco. Si Coco ang pinakaunang guest ni Isko sa kanyang YouTube show na Iskovery night. Dahil parehong lumaki sa Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye kaugnay sa kanyang bagong teleserye na "FPJ: Batang Quiapo."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel