Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Monty Blencowe

Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Monty Blencowe

- Isinapubliko ni Lovi Poe ang tungkol sa engagement niya sa kasintahan niyang si Monty Blencowe

- Sa isang Instagram post ay simple lamang ang kanyang pagbabahagi pero aniya ay naganap ito 'a couple of years ago'

- Sa naturang post ay pinakita niya ang video kung saan makikita ang dagat habang nakasuot sa kamay niya ang isang singsing

- Aniya ay naibahagi at nakapag-celebrate na sila kasama ang kanilang pamilya at kaibigan kaya masaya sila na maibahagi ito sa publiko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Lovi Poe sa pamamagitan ng isang Instagram post ang tungkol sa engagement niya sa kanyang kasintahang si Monty Blencowe. Aniya ay naibahagi at nakapag-celebrate na sila kasama ang kanilang pamilya at kaibigan kaya masaya sila na maibahagi ito sa publiko.

Read also

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Montey Blencowe
Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Montey Blencowe (@lovipoe)
Source: Instagram

Sa naturang post ay pinakita niya ang video kung saan makikita ang dagat habang nakasuot sa kamay niya ang isang singsing. Hindi nito binanggit kung kailan ang eksaktong petsa ng kanilang engagement ngunit aniya ay naganap ito 'a couple of years ago.'

A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Lourdes Virginia Moran Poe o mas kilala bilang si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na Pinay actress, recording artist at endorser. Anak siya ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. Pinagbidahan niya ang ilang serye sa GMA-7 kagaya ng Bakekang at Ang Dalawang Mrs. Real. Kasalukuyang bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Maging sina Toni Fowler at Lovi ay G na G din na kumasa sa 'Bakit malungkot ang beshy ko’ trend. Kinaaliwan ang mag-beshy sa binahaging video ni Toni kung saan maging si Lovi ay naki-tumbling at nakisayaw. Magkasama at matalik na magkaibigan ang karakter na ginagampananan nina Toni at Lovi sa 'FPJ's Batang Quiapo'. Kaya naman, napapasama sa mga post ni Toni si Lovi at na-prank na rin niya ito sa kanyang vlog.

Read also

Xia Vigor at Sophia Reola, pinagluksa ang pagpanaw ng kapwa child star nilang si JM Canlas

Sa isang vlog ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo.' Kaya naman, nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank. Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel