Lovi Poe, balik-taping na sa FPJ's Batang Quiapo pagkatapos ng kasal

Lovi Poe, balik-taping na sa FPJ's Batang Quiapo pagkatapos ng kasal

- Balik-taping na si Lovi Poe matapos ang kanyang pagpapakasal kamakailan

- Hindi totoo ang bali-balitang papalitan na siya bilang leading lady ni Coco Martin sa "FPJ's Batang Quiapo"

- Balik-Pilipinas na siya pagkatapos ng kanyang engrandeng kasal kay Monty Blencowe sa United Kingdom

- Balitang halos araw-araw na ang taping ni Lovi para sa naturang serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Balik-trabaho na si Lovi Poe matapos ang kanyang engrandeng kasal sa United Kingdom. Taliwas ito sa bali-balitang papalitan na siya sa FPJ's Batang Quiapo bilang leading lady ni Coco Martin.

Lovi Poe, balik-taping na sa FPJ's Batang Quiapo pagkatapos ng kasal
Lovi Poe, balik-taping na sa FPJ's Batang Quiapo pagkatapos ng kasal (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sumabak agad sa trabaho si Lovi nang makabalik siya sa bansa kasama na ang taping sa Batang Quiapo.

Kabilang sina Lovi at Coco Martin sa mga artistang magtatanghal sa “ASAP Natin ‘To” sa Milan, Italy na magaganap sa September 10.

Read also

Ogie D, umalma sa producer ng show sa Qatar nina Gigi de Lana, MC at Lassy

Kasunod ng pagiging kabilang ni Ivana Alawi sa naturang serye ay may mga nagsasabing ito na raw ang papalit kay Lovi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Lourdes Virginia Moran Poe o mas kilala bilang si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na Pinay actress, recording artist at endorser. Anak siya ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. Pinagbidahan niya ang ilang serye sa GMA-7 kagaya ng Bakekang at Ang Dalawang Mrs. Real. Kasalukuyang bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Maging sina Toni Fowler at Lovi ay G na G din na kumasa sa 'Bakit malungkot ang beshy ko’ trend. Kinaaliwan ang mag-beshy sa binahaging video ni Toni kung saan maging si Lovi ay naki-tumbling at nakisayaw. Magkasama at matalik na magkaibigan ang karakter na ginagampananan nina Toni at Lovi sa 'FPJ's Batang Quiapo'. Kaya naman, napapasama sa mga post ni Toni si Lovi at na-prank na rin niya ito sa kanyang vlog.

Read also

Pastor Dimver Andales, nakatanggap ng subpoena kaugnay sa Adriane Fornillos murder case

Sa isang vlog ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo.' Kaya naman, nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank. Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel