Xia Vigor at Sophia Reola, pinagluksa ang pagpanaw ng kapwa child star nilang si JM Canlas

Xia Vigor at Sophia Reola, pinagluksa ang pagpanaw ng kapwa child star nilang si JM Canlas

- Sina Sophia Reola at Xia Vigor ay nagbahagi ng kanilang madamdaming mensahe sa pagpanaw ng kapwa nila dating child star na si JM Canlas

- Binahagi pa ni Xia ang kanilang naging pag-uusap ni JM kung saan makikita ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan

- Ibinahagi niya rin ang picture nilang magkasama noong sila ay mas bata pa

- Para naman kay Sophia, hindi niya inakalang gagamitin niya ang picture niya kasama si JM bilang pamamaalam

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagluksa nina Xia Vigor at Sophia Reola ang pagpanaw ng kasamahan nila at kapwa child star na si JM Canlas. Nagbahagi sila ng kanilang mensahe kalakip ng picture nila kasama si JM.

Xia Vigor at Sophia Reola, pinagluksa ang pagpanaw ng kapwa child star nilang si JM Canlas
Xia Vigor at Sophia Reola, pinagluksa ang pagpanaw ng kapwa child star nilang si JM Canlas
Source: Facebook

Binahagi pa ni Xia ang kanilang naging pag-uusap ni JM kung saan makikita ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan. Aniya, gusto niyang alalahanin ang masasayang pinagsamahan nila sa "Team Yey"

Read also

Markus Paterson sa pagiging co-parent ni Janella: "I couldn't ask for a better mother of my child"

Kuya Jm… I just want to remember the happy side of you and thank you for all the laughter and happy memories during our Team Yey days and even after!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para naman kay Sophia, hindi niya inakalang gagamitin niya ang picture niya kasama si JM bilang pamamaalam.

Kuya Jm we love you so much Pleaseee rest you're soul and find peace please. fly High Kuya I never knew I'd use this picture as a goodbye :(

Si JM Canlas ay nakilala bilang isang child star at aktor kagaya ng mga kapatid niyang sina Elijah and Jerom. Naging bahagi siya ng indie films na Kiko Boksingero (2017) at Ani (2019). Naging bahagi din siya ng 2020 TV series na Unconditional kasama ang kapatid niyang si Elijah.

Read also

Vice Ganda, nagbigay ng hint sa kanilang guest: "Basta kapatid ni Lulu"

Naiulat ng Kami ang tungkol sa pagpanaw ni JM sa edad na 17. Kinumpirma ni Jerom ang tungkol sa malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa social media nitong August 3, 2023. Hindi na naibahagi ng kaanak ng aktor ang tungkol sa sanhi ng pagpanaw ngunit naibahagi ni Jerom na may pinagdadaanang hirap sa kanyang mental health ang kapatid.

Ang isang kapatid naman ni JM na si Elijah Canlas ay nagbahagi ng kanyang madamdaming mensahe para sa nakababatang kapatid. Sa kanyang Facebook post, inihayag ni Elijah ang pagmamahal niya sa kapatid. Nagpasalamat din ito sa lahat ng mga nakiramay at nanalangin para sa kanila sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel