Markus Paterson sa pagiging co-parent ni Janella: "I couldn't ask for a better mother of my child"

Markus Paterson sa pagiging co-parent ni Janella: "I couldn't ask for a better mother of my child"

- Todo puri ni Markus Paterson ang dating partner na si Janella Salavador

- Hanggang ngayo'y maayos ang pagiging co-parents nila sa kanilang anak na si Jude

- Ani Markus, kailanma'y hindi naging problema sa kanila ang pagpapalaki sa kanilang anak kahit hindi na sila magkasama

- Maging sa sustento ay wala umano silang problema subalit oras ang madalas nilang maging kalaban

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masasabing labis ang papuri ni Markus Paterson sa dating partner na si Janella Salvador.

Markus Paterson sa pagiging co-parent ni Janella: "I couldn't ask for a better mother of my child"
Markus Paterson, Jude and Janella Salvador (@superjanella)
Source: Facebook

Isa ito sa mga napag-usapan nila ni Ogie Diaz nang makapanayam siya nito sa kanyang YouTube channel.

Ani Markus, kailanma'y hindi siya nagkaroon ng problema sa pagiging co-parents nila ni Janella sa kanilang anak na si Jude.

Katunayan, hanga pa umano siya sa dating partner na mahusay na napapalaki ang kanilang anak.

Read also

Andrea Brillantes, muling nakasama si Kyle Echarri sa kanyang vlog: "My best friend is back!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sobrang blessed ako sa kanya. I couldn't ask for a better mother of my child. Sobrang galing niya," ani Markus.

Maayos din umano niyang nahihiram si Jude kay Janella kaya naman nakaka-bonding pa rin niya ang kanyang anak.

Maging umano sa sustento ay hindi nila nagiging problema. Aniya, tila mas nagiging kalaban pa umano nila ang oras gayung pareho silang nagtatrabaho subalit sinisigurong nakapaglalaan ng panahon sa kanilang anak.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Mark Paul Robert Paterson o mas kilala bilang si Markus Paterson ay isang actor, singer, television host, at athlete. Minsan siyang naging bahagi ng reality show na Pinoy Boyband Superstar. Siya ay naging partner ni Janella Salvador kung saan nabiyayaan sila ng isang anak, si Jude Trevor. Subalit dahil umano sa hindi pagkakaunawaan, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon na umano'y mas madalas nang bumalik na sila sa Pilipinas.

Read also

Maja Salvador, nilarawan na 'almost perfect' ang mister na si Rambo Nuñez

Samantala, naging kontrobersyal ang pahayag noon ni Markus sa kanilang podcast na 'Boy after dark' kung saan nasabi niyang "never date someone from the industry." Nagkataong ito ay matapos ang hiwalayan nila ni Janella kaya inakala ng marami na ito ay patungkol sa aktres.

Gayunpaman, pinabulaanan ni Markus na patungkol ito sa ina ng kanyang anak lalo na at nakapag-post naman siya ng papuri sa aktres matapos na maging usap-usapan ang kanyang naging pahayag. Matatandaang inalmahan ito ni Cristy Fermin lalo na at alam nilang nakainom sina Markus at kanyang mga kasama sa podcast nang masabi niya ang naturang pahayag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel