Vice Ganda, nagbigay ng hint sa kanilang guest: "Basta kapatid ni Lulu"

Vice Ganda, nagbigay ng hint sa kanilang guest: "Basta kapatid ni Lulu"

- Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kaugnay sa kanilang special guest sa kanilang Magpasikat performance

- Ani Vice Ganda, manggugulat ang kanilang team bukas dahil sa kanilang special guest

- Aniya, bukas ay supended sila at kapatid daw ni Lulu ang kanilang special guest

- Bukas nga ang Magpasikat performance ng grupo ni Vice at kasama niya sina Jackie at Cianne

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan ang hirit ni Vice Ganda kaugnay sa kanilang special guest sa kanilang Magpasikat performance bukas. Aniya, gugulatin daw nila ang lahat bukas dahil sa kanilang special guest.

Vice Ganda, nagbigay ng hint sa kanilang guest: "Basta kapatid ni Lulu"
Vice Ganda, nagbigay ng hint sa kanilang guest: "Basta kapatid ni Lulu" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matapos nga ang komento ng isa sa mga hurado na si Tirso Cruz na inaasahan niyang masosorpresa uli sila bukas, sinagot siya ni Vice nito:

Gugulatin namin kayo! Suspended tayo bukas!

Binanggit niya pa ang guests ng Team nina Anne, Ogie at Ryan. Aniya ang kanilang guest ay kapatid ni Lulu.

Read also

Donnalyn Bartolome, kinaaliwan sa kanyang vlog na 'Billionaire for 1 day in Spain'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Magugulat kayo sa guest namin... The world is healing. Basta kapatid ni Lulu.

Si Lulu na kanyang tinutukoy ay ang augmented reality character na kasama sa Magpasikat performance nina Karylle, Tyang Amy, MC at Lassy.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Heart Evangelista kay Liza Soberano: "The spotlight is on you for everyone to see"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel