Donnalyn Bartolome, kinaaliwan sa kanyang vlog na 'Billionaire for 1 day in Spain'

Donnalyn Bartolome, kinaaliwan sa kanyang vlog na 'Billionaire for 1 day in Spain'

- Binahagi ni Donnalyn Bartolome ang kanyang bagong vlog na pinamagatang 'Billionaire for 1 day in Spain'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Dito ay pumunta siya sa building na tinatawag na Torre Emperador sa bansang Spain

- Ito daw ang pang-apat na pinakamataas na gusali na matatagpuan sa Espanya

- Naroroon din si Daniel Padilla na ambassador ng naturang inumin na pagmamay-ari ng Alliance Global Group na pinamumunuan ni Dr. Andrew Tan

Kinaaliwan si Donnalyn Bartolome sa kanyang vlog na pinamagatang Billionaire for 1 day in Spain'. Bukod kay Donna ay naroroon din si Daniel Padilla na siyang ambassador ng naturang inumin.

Donnalyn Bartolome, kinaaliwan sa kanyang vlog na 'Billionaire for 1 day in Spain'
Donnalyn Bartolome, kinaaliwan sa kanyang vlog na 'Billionaire for 1 day in Spain'
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bahagi ng kanyang vlog ay ang board meeting kasama ang mga empleyado sa naturang kompanya.

Read also

Antonette Gail, ibinida ang glow up niya matapos ang 5 weeks mula nang magpa-lipo

Naibahagi din sa naturang vlog ang vineyard na matatagpuan din sa Spain na makikita sa isang malawak na lupain.

Narito ang komento ng ilang netizens:

I loveyou Dona. Sana naranasan din namin ang maging billionaire. Hehee!
Grabe ate Donna, Di ko kinaya yung shot part nang emperadonna
Ang pasabog ng pagbablik ni Donnalyn di lang Millionaire Billionaire for a day pa!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

MJ Lastimosa, deadma sa isyu: "Ahay ambot sa inyo"

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel