MJ Lastimosa, deadma sa isyu: "Ahay ambot sa inyo"

MJ Lastimosa, deadma sa isyu: "Ahay ambot sa inyo"

- Sa gitna ng isyu kaugnay sa pahayag ng Miss Grand International founder, tila hindi apektado si MJ Lastimosa

- Sa kanyang social media accounts ay marami siyang post kaugnay sa kanyang bakasyon sa isang cruise

- Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa isyu na kinasasangkutan niya

- Matatandaang ikinagalit ni Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil ang kanyang video na nauna na niyang nilabas noong Setyembre pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Unbothered ang peg ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa sa kabila ng isyu na kanyang kinasasangkutan. Sa kanyang social media accounts ay marami siyang post kaugnay sa kanyang bakasyon sa isang cruise.

MJ Lastimosa, deadma sa isyu: "Ahay ambot sa inyo"
MJ Lastimosa, deadma sa isyu: "Ahay ambot sa inyo"
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, isang makahulugang mensahe ang kanyang binahagi. 'Ambot sa inyo' ang kanyang status na nangangahulugang 'Ewan ko sa inyo.'

Read also

Bea Alonzo, makukuha na ang residency card niya sa Spain

Sa kanyang Instagram post naman ay binahagi niya ang mga pictures na kuha sa kanyang cruise vacation.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kapansin-pansin naman ang mga mensahe kay MJ ng kanyang mga tagasuporta. Marami sa mga ito ang nagbanggit tungkol sa pahayag ni Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisi

Si Mary Jean Ramirez Lastimosa o mas kilala bilang si MJ Lastimosa ay isang Filipino-Arabian model, host, actress, TV presenter at beauty pageant titleholder. Kinoronahan siya bilang Miss Universe Philippines 2014 at kumatawan sa bansa sa Miss Universe 2014 pageant at nakapasok sa Top 10 semifinalist.

Dumipensa si MJ matapos umani ng reaksiyon ang kanyang komento sa paglalakad ni Miss Universe Thailand Amanda Obdam. Isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan maririnig ang kanyang komentong ginaya umano nito ang lakad ni Catriona Gray. Isa si MJ sa mga naroroon sa mismong venue at nakapanood ng live sa naganap na swimsuit competition ng Miss Universe 2020. Nilinaw naman ni MJ na hindi siya nang-aaway at naghayag lamang siya ng kanyang opinyon base sa kanyang nakita.

Read also

KC Concepcion, napa-throwback sa mga letters na sinulat niya sa kanyang mama

Sa kanyang Instagram story ay pabirong tinawag ni Rabiya Mateo ang kaibigang si MJ. Ito ay matapos nitong magbahagi ng suporta kasunod ng kanyang pagkadulas sa stage kaya napaluhod ito. Gayunpaman, hinangaan ng marami si Rabiya kung paano ito bumangon at tumayo sa entablado. Biro pa ni Rabiya, narinig niyang tumatawa si MJ nang madulas siya sa stage.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel