Bea Alonzo, makukuha na ang residency card niya sa Spain

Bea Alonzo, makukuha na ang residency card niya sa Spain

- Nagbahagi si Bea Alonzo ng life update sa kanyang pinakabagong YouTube vlog

- Sa kanyang vlog ay pinakita niya kung paano niya inaayos ang kanyang bagahe para sa kanyang 20 araw na bakasyon abroad

- Ani Bea, sa kanyang biyaheng ito ay makukuha na niya ang kanyang resident card sa Spain

- Ito daw ang kanyang unang pagkakataon na matitirahan niya ang kanyang biniling condo unit sa Madrid, Spain

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Bea Alonzo na sa kanyang Europe trip ay makukuha na niya ang kanyang residency card sa Spain. Ito din daw ang unang pagkakataon na matitirhan niya ang kanyang condo sa Madrid, Spain.

Bea Alonzo, makukuha na ang residency card niya sa Spain
Bea Alonzo, makukuha na ang residency card niya sa Spain
Source: Youtube

Aniya, magiging Spain resident na siya. Isa ito sa kanyang aasikasuhin sa kanyang 20 days na Europe trip kasama ang boyfriend niyang si Dominique Roque.

Read also

Alex Gonzaga, sinabing blessed siya sa mister: "A husband who will cover the pain he is feeling"

Aniya, susubukan niyang mag-house tour sa kanyang condo unit na nabili.

Sa kanyang pinakabagong vlog ay pinakita niya kung paano niya inaayos ang kanyang bagahe at gamit. Nakalagay sa mga organizers ang lahat ng kanyang gamit dahil ayon kay Bea ay hilig daw talaga niya na maayos ang kanyang mga gamit.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel