Alex Gonzaga, sinabing blessed siya sa mister: "A husband who will cover the pain he is feeling"

Alex Gonzaga, sinabing blessed siya sa mister: "A husband who will cover the pain he is feeling"

- Inihayag ni Alex Gonzaga ang kanyang saloobin sa pagkakaroon ng mabait na asawa sa gitna ng kanilang pinagdadaanang fertility problem

- Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang video clip kung saan nakwento niya ang reaksiyon ni Mikee Morada nang malaman nilang hindi tuloy ang kanyang pangalawang pagbubuntis

- Nakita na raw ni Alex na nalulungkot ito pero nang makita daw niyang nakatingin si Alex sa kanya ay sinenyasan siya nito na ayos lang

- Hindi napigilang maiyak ng magkapatid na Toni at Alex sa pagkukuwentong ito ni Alex dahil awang-awa sila kay Mikee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Alex Gonzaga, blessed siya sa pagkakaroon ng asawang handang itago ang kanyang damdamin para lang pakalmahin si Alex. Sa kanyang pagbabahagi sa YouTube show ng kanyang ate ay hindi napigilang maiyak ng mag-ate dahil sa awa nila kay Mikee.

Read also

Kaori Oinuma, sinama ang mga kapatid para sorpresahin ang kanilang nanay sa Japan

Alex Gonzaga, sinabing blessed siya sa mister: "A husband who will cover the pain he is feeling"
Alex Gonzaga, sinabing blessed siya sa mister: "A husband who will cover the pain he is feeling"
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang video clip na mula sa videong panayam ng kanyang ate sa kanya kung saan kinuwento niya ang reaksiyon ni Mikee nang mapag-alaman nilang hindi matutuloy ang pagbubuntis ni Alex sa pangalawang beses ng kanilang pagsubok na magkaanak.

Nakita na raw ni Alex na nalulungkot ito pero nang makita daw niyang nakatingin si Alex sa kanya ay sinenyasan siya nito na ayos lang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel