Kaori Oinuma, sinama ang mga kapatid para sorpresahin ang kanilang nanay sa Japan

Kaori Oinuma, sinama ang mga kapatid para sorpresahin ang kanilang nanay sa Japan

- Para kay Kaori Oinuma, malaking achievement para sa kanya na maisama ang kanyang mga kapatid sa Japan

- Sinorpresa nilang magkakapatid ang kanilang mama na siang OFW sa Japan at matagal nilang hindi nakakasama ng Pasko

- Hindi napigilan ng kanyang nanay ang maiyak nang makita ang kanyang tatlong anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya, matapos niyang mapanood ang pelikulang Rewind napagtanto niya kung gaano ka-importante na mabigyan ng oras ang pamilya at mga mahal sa buhay

Binahagi ni Kaori Oinuma ang video ng muling pagkikita nilang mag-iina nang dalhin niya ang dalawa niyang kapatid sa Japan para magkasama sila ngayong Pasko. Hindi napigilan ng kanilang nanay ang maiyak nang makita ang kanyang mga anak.

Kaori Oinuma, sinama ang mga kapatid para sorpresahin ang kanilang nanay sa Japan
Kaori Oinuma, sinama ang mga kapatid para sorpresahin ang kanilang nanay sa Japan
Source: Youtube

Aniya, matagal na silang nagdiriwang ng Pasko nang hindi kumpleto. Matapos niyang mapanood ang pelikulang Rewind napagtanto niya kung gaano ka-importante na mabigyan ng oras ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Read also

Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanya: "For now, I think I'm straight"

This year, I've decided to bring my siblings with me here sa Japan, to surprise mama, and all i could think na pwede kong mabigay sa family ko is mabuo kami ngayong pasko. 3 days ago, thanks to “REWIND” premiere night, (showing na today in cinemas!!!) I was given the opportunity to reflect and realize about how short life is. kung gaano ka-importante ang presensya ng mga mahal mo at mahal ka.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kaori ay tumayong ate sa kanyang kasabayan sa Batch 1 ng PBB Otso. Nakilala bilang The Kawaii Daughter of Japan, nasaksihan ng publiko ang kanyang pagiging mahinhin ngunit palaban sa mga task na pinagawa sa kanila.

Samantala, naibahagi noon ni Kaori na nagtrabaho siya bilang caregiver sa Japan noong siya ay 16 taong gulang pa lamang. Naging emosyonal ito nang ibahaging hindi na siya maalala ng kanyang lolo.

Read also

Miles Ocampo sa best supporting actress award: "Pina-praktis ko lang 'to dati"

Ibinahagi ng ex-PBB Season 8 teen housemate na si Kaori ang isang house tour ng apartment nila sa Japan. Ayon kay Kaori, mas pinili nila ng kanyang ina na tumira sa hindi kalakihang apartment para mas makamura. Ibinahagi niya ang ilan sa mga kwento noong siya ay mas bata pa habang ipinapakita ang ilang bagay na kaugnay sa kanyang karanasan. Umabot sa mahigit 1 milyon ang view ng nasabing video matapos lamang ang isang linggo simula nang ibahagi niya ito sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel