Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanya: "For now, I think I'm straight"

Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanya: "For now, I think I'm straight"

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nagbigay pahayag si Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanyang kasarian

- Diretsahan din itong natanong sa kanya ni Karen lalo na ang nakarating umano sa kanyang maraming nagkakagusto kay Christian

- Sa ngayon, masasabi raw niyang straight siya dahil sa atraksyon sa mga babae

- Matatandaang minsan na silang na-isyu ng kanyang best friend na si Jennica Garcia subalit espesyal na pagkakaibigan ang mayroon sila sa isa't isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinagot ni Christian Bables ang tanong ni Karen Davila tungkol umano sa mga kumekwestyon sa kanyang kasarian.

Christian Bables sa mga nagdududa umano sa kanya: "For now, I'm think I'm straight"
Christian Bables (@christiaaan06)
Source: Instagram

Nabalitaan umano kasi ni Karen na maraming nagkakagusto kay Christian subalit 'di raw alam ng mga ito kung ano ang gusto ng aktor.

"I am straight. But if kunwari ipagkakaloob sa akin ng Diyos 'yung kakayahan na magmahal ng same sèx, buong puso kong tatanggapin 'yun," paliwanag ni Christian.

Read also

Agot Isidro, kinagiliwan sa makulit na komento nito sa post ni Maris Racal

"But for now, I think I'm straight because my preference is with the opposite sèx," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Masasabing napapagdududahan ang kasarian ni Christian dahil sa husay ng pagganap nito sa ilang mga gay roles sa pelikula.

Tulad na lamang ng kanyang karakter sa pelikulang kinabibilangan niya na pasok sa Metro Manila Film Festival, ang Broken Hearts Trip na isang LGBTQ movie.

Samantala, sa naturang panayam sa kanya ni Karen Davila, emosyonal na naikwento ni Christian ang pangungulila sa kanyang ama.

Narito ang kabuuan ng vlog:

Si Christian Mercurio Bables ay isang Filipino actor. Hinirang siya bilang Best Leading Actor sa 5th Hanoi International Film Festival para sa karakter niyang "Intoy" sa pelikulang Signal Rock. Nagwagi rin siya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian para sa kanyang trans woman role na si "Barbs" sa pelikulang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Read also

Christian Bables, naiyak nang mapag-usapan ang pangungulila sa ama

Kamakailan, kinagiliwan online ang video kung saan kuha nang minsan siyang maging guest reporter ng TV Patrol. Dahil live ang naturang programa, sapul na sapul ang hindi napigil na pagbungisngis ni Christian.

Samantala, kinagiliwan din kamakailan ang sweet at makulit na birthday greeting ni Christian sa best friend niyang si Jennica Garcia. Tinawag niya itong "Disney Princess" at biniro niya ito na tigilan na umano ang pagpapantasya sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel