Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong

Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong

- Binahagi ni Kim Chiu ang kanyang vlog nang mag-bonding sila ng "It's Showtime" family sa Hong Kong kamakailan

- Nahuli nang isang arw si Kim sa kanyang pagpunta sa Hong Kong kaya nakantiyawan siyang siya ang magbayad sa isa nilang dinner

- Umabot sa mahigit P100,000 ang binayaran ni Kim sa kanilang pagkain pero ani Kim ay ayos lang iyon

- Biniro naman siya ni Vice Ganda at inabutan ng tissue para raw pangpunas sa luha niya dahil iiyak nito ang kanyang gastos na ani Vice ay parang nagpa-debut na ng pamangkin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Kim Chiu ang masayang bonding moment nila ng It's Showtime family sa Hong Kong. Si Kim ang nanglibre sa isang dinner nila at umabot sa mahigit P100,000 ang kanyang binayaran.

Read also

Maricel Soriano, aminadong awang-awa kay Kim Chiu dahil sa sampalan scenes nila

Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong
Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong
Source: Youtube

Sa kanyang vlog ay pinakita ni Kim ang kanyang pagbiyahe papuntang Hong Kong. Nahuli siya ng isang araw at sumunod na lamang sa mga co-hosts niya.

Dahil nahuli siya, kinantiyawan siya ng mga kasamahan na manlibre siya. Hindi naman ito tumanggi at sa laki ng kanyang binayaran ay biniro siya ni Vice Ganda na para daw siyang nagpa-debut ng pamangkin sa kanyang binayaran.

Sa huling bahagi ng kanyang vlog ay binahagi ni Kim ang mensahe niya kaugnay sa kanyang pasasalamat na naging bahagi siya ng It's Showtime. Aniya kahit tatlong taon pa lamang siyang nagiging bahagi nito ay hindi ipinaramdam ng kasamahan niya na bago siya at parang bahagi daw siya ng 14 na taon nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Read also

Alex Gonzaga, sinabing blessed siya sa mister: "A husband who will cover the pain he is feeling"

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel