Maricel Soriano, aminadong awang-awa kay Kim Chiu dahil sa sampalan scenes nila

Maricel Soriano, aminadong awang-awa kay Kim Chiu dahil sa sampalan scenes nila

- Naibahagi ni Maricel Soriano ang kulitan moments nila kasama ang ilang press at "Linlang" casts sa kanyang YouTube channel

- Sa tagumpay ng kanilang serye ay laging inaabangan at pinag-uusapan ang mga eksena ng kanilang serye na lumalabas sa Prime video

- Aminado naman ang Diamond star na awang-awa siya kay Kim dahil sa kanilang sampalan scenes

- Biro pa niya, binigyan niya tuloy ng mamahaling sapatos si Kim dahil sa kanyang awa sa aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Maricel Soriano sa kanyang YouTube channel ang panayam ng ilang press people sa casts ng Linlang. Inamin ni Maricel na awang-awa siya kay Kim Chiu dahil sa kanilang eksena ng sampalan.

Maricel Soriano, aminadong awang-awa kay Kim Chiu dahil sa sampalan scenes nila
Maricel Soriano, aminadong awang-awa kay Kim Chiu dahil sa sampalan scenes nila
Source: Youtube

Biro pa niya, dahil dito ay binigyan niya ng mga sapatos si Kim lalo at magkaparehas sila ng size ng paa. Natawa naman si Kim at naka-lima daw siyang sapatos na mamahalin mula sa Diamond Star. Hirit pa niya, ito daw ang kapalit ng mga sampal.

Read also

Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel