KC Concepcion, napa-throwback sa mga letters na sinulat niya sa kanyang mama

KC Concepcion, napa-throwback sa mga letters na sinulat niya sa kanyang mama

- Binahagi ni KC Concepcion ang ilan sa mga sulat niya para sa kanyang mama noong mas maliit pa siya

- Sa kanyang vlog, naibahagi ni KC na nakaugalian nila ng kanyang mama na magsulatan lalo at laging abala ang kanyang mama noon

- Nabanggit ni KC na binigay sa kanya ng kanyang mama ang portfolio ng mga photocopy ng mga binigay niyang sulat sa kanyang mama

- Pinili naman ng kanyang team ang ilan sa mga sulat para basahin niya sa vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napa balik-tanaw si KC Concepcion sa kanyang pinakabagong vlog kung saan binasa niya ang ilan sa mga sulat na kanyang binigay noon sa kanyang mama. Ani KC, nakaugalian nilang mag-ina noon na magsulatan.

KC Concepcion, napa-throwback sa mga letters na sinulat niya sa kanyang mama
KC Concepcion, napa-throwback sa mga letters na sinulat niya sa kanyang mama
Source: Youtube

Dahil hindi sila madalas makapag-usap dahil working mom ang ina, ito ang kanilang naging daan upang makapagbahagi ng mensahe sa isa't-isa.

Read also

Bea Alonzo, makukuha na ang residency card niya sa Spain

Iniregalo daw ni Mega sa kanya ang mga kopya ng kanyang mga naging sulat noong siya ay mas maliit pa.

Ibinahagi naman ni KC ang kanyang salobin at reaksiyon sa mga sulat na kanyang binasa. Kabilang sa kanyang sulat ang kagustuhan niyang mabuo ang pamilya at magkaroon ng mga kapatid.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng Bachelor's Degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Ibinahagi kamakailan ni KC sa kanyang vlog ang kwento kung paano sila muling nagkita at nagkausap ng ama niyang si Gabby Concepcion. Noong siyam na taong gulang siya, pumunta ng Amerika si Gabby at doon nagtrabaho. Naibahagi ni KC kung paano sila nagkausap noong siya 18th birthday niya. Marami ang naantig sa video na ito ni KC dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama.

Read also

Kim Chiu, nagbayad ng mahigit P100K sa pagkain nila sa Hong Kong

Matapos nga niya ilabas ang video ng kwento tungkol sa muling pakikipag-ugnayan nila ng amang si Gabby, naibahagi ni KC ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para naman sa kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan na siyang tumayong pangalawang ama niya. Aniya ay sobra niyang naapreciate ang kanyang stepfather at pinakita pa nito ang pearl necklace na natanggap niya mula dito nang magpakasal sila ni Sharon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel