Antonette Gail, ibinida ang glow up niya matapos ang 5 weeks mula nang magpa-lipo

Antonette Gail, ibinida ang glow up niya matapos ang 5 weeks mula nang magpa-lipo

- Pinakita ni Antonette Gail ang resulta ng pagpapa-lipo niya matapos ang limang linggo

- Sa kanyang post ay kasama niya ang kanyang doktor na si Doc Yappy at ginawa nila ang Fordason tiktok Dance Trend

- Makikita sa kanyang video na mas lumiit na siya kung ikukumpara sa kanyang katawan bago siya sumailalim sa BBL

- Marami naman sa mga netizens ang inihalintulad siya kay Toni Fowler na isa din sa mga kliyente ni Doc Yappy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Antonette Gail ang kanyang 5 week-post operation glow up. Sa kanyang post ay makikita ang laki ng pinagbago ni Antonette mula nang sumailalim siya sa BBL limang linggo na ang nakakalipas.

Antonette Gail, ibinida ang glow up niya matapos ang 5 weeks mula nang magpa-lipo
Antonette Gail, ibinida ang glow up niya matapos ang 5 weeks mula nang magpa-lipo
Source: Facebook

Sa kanyang TikTok video ay kasama niya si Doc Yappy. Umani ng mga komento ang video na ito ni Antonette. Marami naman sa mga netizens ang inihalintulad siya kay Toni Fowler na isa din sa mga kliyente ni Doc Yappy.

Read also

Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng 'Ere'

Yaaaas!!!! Jusko konting diet pa grabe achieve na achieve na ang hourglass shape!
Basta kng saan kyo masaya madam go...buhay nyo yn kng maganda sa paningin nyo..

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wowww balik alindog talaga maam Antonet.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette. Nilinaw niyang hindi sila gagastos nang wala silang extra kaya hindi totoong naubos ang kanilang ipon. Dagdag pa niya, may pinaglalanan sila sa kanilang savings.

Read also

Rica Peralejo sa nangbatikos sa kanya: "Nakakabulag ang self righteousness"

Binahagi ng nanay ni Antonette Gail ang video ng pag-uwi ni Antonette galing sa pagkaka-ospital nito. Sa kanyang TikTok ay nabisita niya rin ang anak at pinalakas ang loob nito para magpagaling at makasama na niya ang anak. Dinatnan nilang tulog pa si Meteor pero hindi maitago ni Antonette ang pananabik niya sa anak. Hindi pa makakilos nang maayos si Antonette kaya hindi pa niya nakarga kaagad si Meteor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel