Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

- Inihayag ni Rica Peralejo ang kanyang saloobin sa akusasyong marangya ang kanyang pamumuhay kahit isa siyang asawa ng pastor

- Aniya, sino ang maniniwala sa akusasyong ito gayong hindi nga raw siya bumibili ng mamahaling bag

- Bukod pa dito, alam naman dw ng tao na mas malaki ang kita niya kesa sa kanyang asawang pastor

- Aniya, kahit ganun man ay kaya naman niya dahil malaki naman ang kinikita niya bilang influencer, content creator at pagiging artista niya

Naibahagi ni Rica Peralejo ang kanyang saloobin kaugnay sa akusasyong lavish daw ang lifestyle niya para sa isang pastor's wife. Ani Rica, ni hindi nga daw siya bumibili ng mga mamahaling bag.

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"
Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"
Source: Instagram

Aniya, kahit ganun man ay kaya naman niya dahil malaki naman ang kinikita niya bilang influencer, content creator at pagiging artista niya.

I have this hater who keeps putting up accusations on my feed. But… the accusations are so dumb. I mean how can someone be so dumb? Ex: “you live a lavish lifestyle for a pastor’s wife” — sino bang tanga ang naniniwala na lavish ang lifestyle ko eh ni hindi ngako bumibili ng designer bags? At sino din bang di nakakaalam na kahit lumavish ako eh afford ko to as celeb/KOL/influencer/content creator? At sino bang hindi nakakakita mas malaki kita ko sa asawa kong pastor?

Read also

Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"

Maging ang asawa nga daw niya ay hindi nakakasuot ng mamahaling gamit kagaya ng ibang mga pastor.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

And wow talk about lavish ang asawa ko nakatikim lang ng 530s yan nung binilihan ko lately ni hindi manlang mahal yun like Yeezys or Chanel slip ons or other designer stuff na suot suot ng mga pastor ha! I mean defs may mga pastor na pag tiningnan mo mapapaisip ka san nanggaling ang lahat but naku naman! Asawa ko? Kami? Tanga nalang ang hindi marunong magcompute.
Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"
Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"
Source: Instagram

Si Rica Peralejo ay unang nakilala nang maging bahagi ng "Ang TV." Kabilang ang mga palabas na Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin sa mga ginawa niyang TV projects. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya nang ikasal siya sa mister na si Joseph Bonifacio. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.

Read also

Miss World Botswana Lesego Chombo sa kanyang kababayan: "Please be kinder"

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang saya sa pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong ipa-renovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pina-renovate na bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel