Miss World Botswana Lesego Chombo sa kanyang kababayan: "Please be kinder"

Miss World Botswana Lesego Chombo sa kanyang kababayan: "Please be kinder"

- Naglabas ng pahayag si Miss World Botswana Lesego Chombo kaugnay sa naging reaksiyon ng kanyang kababayan sa pag-ayos ni Megan Young sa kanyang buhok

- Aniya, naapreciate niya ang mga nagmamalasakit sa kanya pero hindi daw niya gusto na may binababang tao para lang sa kanya

- Kaya naman, pakiusap niya sa kanyang mga kababayan, sana ay maging mas mabait lalo na sa nanalong si Krystyna Pyszková mula sa Czech Republic at kay Megan na siyang host sa ginanap na Miss World 2024

- Sa nauna nang post ni Megan, humingi siya ng dispensa sa kanyang ginawa at may pagkukulang daw siya dahil hindi niya inalam na hindi katanggap-tanggap sa kultura nina Lesego ang hawakan ang kanilang buhok

Hiniling ni Miss World Botswana Lesego Chombo sa kanyang kababayan na maging mabait lalo na kina Miss World 2024 Krystyna Pyszková mula sa Czech Republic at kay Megan na siyang host sa ginanap na Miss World 2024.

Read also

Gabby Eigenmann: "May sinabi si Andi na 'Uwi na tayo Nanay'"

Miss World Botswana Lesego Chombo sa kanyang kababayan: "Please be kinder"
Miss World Botswana Lesego Chombo sa kanyang kababayan: "Please be kinder"
Source: Facebook

Aniya, naapreciate niya ang mga nagmamalasakit sa kanya pero hindi daw niya gusto na may binababang tao para lang sa kanya.

Batho bame, I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake. Please be kinder, please ❤️ to Krystyna, to Megan, be kinder.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inihingi na rin ni Megan ng dispensa ang kanyang ginawang pag-ayos ng buhok ni Miss Botswana. Aniya, may pagkukulang daw siya dahil hindi niya inalam na hindi katanggap-tanggap sa kultura nina Lesego ang hawakan ang kanilang buhok lalo na mula sa taong hindi naman malapit sa kanila.

Si Megan Lynne Young ay isang Filipino-American actress, model, television presenter at beauty queen na nanalo ng Miss World Philippines 2013 title at kinoronahan bilang Miss World 2013. Siya ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss World.

Read also

Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2

Sa kanilang bakasyon sa Subic, namasyal ang mag-asawang Megan Young at Mikael Daez. Sa kanilang pamamasyal ay nagkataon na nakita nila ang San Roque Chapel– ang lugar kung saan sila ikinasal noong 2020. Hindi nila pinalagpas ang pagkakataon at nag-picture sa harap ng chapel para mabalikan nila ang alaala ng kanilang muling pagbabalik sa lugar kung saan sila ikinasal.

Kamakailan ay ibinahagi ni Megan ang kanyang saloobin sa inanunsiyo ng Kpop group na BTS tungkol sa kanilang hiatus. Aniya, mananatili siyang magsusuporta at magpapatuloy siyang magiging fan ng BTS. Aniya, tapos na siyang umiyak at kinamusta niya ang kapwa niya 'armies' kaugnay sa nangyari sa Korean group.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate