Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng 'Ere'

Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng 'Ere'

- Binahagi ni Moira Dela Torre ang video ng kanyang pagkanta ng awiting 'Ere' na pinasikat ni JK Labajo

- Sa huling bahagi ng video ay makikitang mismong si JK ang tumutugtog ng gitara nang kumanta si Moira

- Umani rin ng samu't-saring komento ang video na ito ni Moira lalo at mayroong bahagi ng kanta na pagmumura

- Marami sa mga netizens ang nagsabing yung kay Moira ang tipo ng pagmumura na hindi masakit sa tenga dahil sa pagiging soft-spoken nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang version ni Moira Dela Torre ng kantang Ere na pinasikat ni JK Labajo. Kasama din niya si JK sa video na kanyang binahagi.

Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng 'Ere'
Moira Dela Torre, kinaaliwan sa kanyang pagkanta ng 'Ere'
Source: Instagram

Umani ng mga komento ang video na ito ni Moira lalo at kinanta niya ang Ere na may bahagi ng salitang maituturing na mura.

Read also

Rica Peralejo sa nangbatikos sa kanya: "Nakakabulag ang self righteousness"

May mga netizens na nagsabing yung kay Moira ang tipo ng pagmumura na hindi masakit sa tenga dahil sa pagiging soft-spoken nito.

Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Yung nagmura yung mabait mong kaibigan
Bakit parang may basbas ni Lord huhu
Pag minura ako ni Moira tatanggapin ko tlaga. mag sosorry pa ako.

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel