Moira Dela Torre: "Naging blind na po ako sa pag-ibig dati ayoko na po"

Moira Dela Torre: "Naging blind na po ako sa pag-ibig dati ayoko na po"

- Sinagot ni Moira Dela Torre ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook

- Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date

- Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw

- Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Moira Dela Torre ang komento ng isang netizen na pwede na daw sumali si Moira sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw.

Moira Dela Torre: "Naging blind na po ako sa pagibig dati ayoko na po"
Moira Dela Torre: "Naging blind na po ako sa pagibig dati ayoko na po" (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Ang naturang komento ay sa kanyang binahaging picture kung saan pinakita ni Moira ang kanyang bagong hairstyle. Marami ang pumuri sa kanya.

Read also

Moira dela Torre, nag-ala Tailor Swift sa kanyang makahulugang kanta sa concert niya

Gumaganda talaga pag nasaktan,pakisaktan nga ako hahaha
I mean Moira was already pretty when she was chubby but I didnt know she can bloom like this. She is amazingly beautiful

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

K-pop idol yarn? But kidding aside, this is a great glow up. Well done!

Moira Dela Torre: "Naging blind na po ako sa pagibig dati ayoko na po"
Moira Dela Torre: "Naging blind na po ako sa pagibig dati ayoko na po" (@facebook.com/MoiraDelaTorre)
Source: Facebook

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Minabuti na ni Moira na magsalita kaugnay sa paghihiwalay nila ni Jason. Ito ay matapos lumabas ang mga espikulasyon na nag-cheat umano siya sa kanyang mister. Diretsahang sinabi ni Moira na isinabuhay niya ang kanyang wedding vow at hindi siya nag-cheat sa asawa. Aniya, kahit hindi na sila magkasama ni Jason ay nasasaktan siyang nakikita ang mga gawa-gawang kwento na aniya ay malayo sa katotohanan.

Read also

Kiray Celis, nakatanggap ng singsing mula sa kanyang boyfriend

Nagluksa si Moira sa pagpanaw ng kanyang longtime personal driver. Sa isang post ay binahagi niya ang kanyang mensahe para sa kanyang driver na tinawag niyang Kuya Baj. Pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting kaibigan umano nito sa kanya at sa pagiging pamilya kay Moira. Bumuhos naman ang pakikiramay kay Moira mula sa mga kasamahan niya sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel