Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang Halloween costume nila ng aswang si Mikee Morada kasama ang kanyang mga magulang at kanyang Uncle Jojo

- Ani Alex, sa mga nakakaalam ng kwento ng pelikulang 'Up' ay maiintindihan kung bakit ito ang napili nilang costume ngayong taon

- Ang kanyang mga magulang naman ang gumaya sa matandang Ellie at Carl at si Uncle Jojo naman ay si Russell

- Matatandaang nabahagi kamakailan ni Alex ang tungkol sa pinagdadaanan nilang mag-asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Alex Gonzaga ang Halloween costume nila ng aswang si Mikee Morada. Napili niyang maging costume ngayong taon ay ang mag-asawa sa pelikulang 'Up' na sila Ellie at Carl.

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume
Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume
Source: Instagram

Aniya, sa mga nakakaalam ng kwento ng pelikulang 'Up' ay maiintindihan kung bakit ito ang napili nilang costume ngayong taon.

Read also

Andre Yllana kay Andrea Brillantes: "Mag-iingat ka palagi kung hindi ako mag-iingat sa'yo"

Bukod sa kanilang mag-asawa, kasama din nila ang magulang ni Alex na ginaya naman ang matandang Ellie at Carl. Kinaaliwan din si Uncle Jojo na naging Russell.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel