Lovi Poe, na-stress sa 'Attitude prank" ni Toni Fowler sa kanya

Lovi Poe, na-stress sa 'Attitude prank" ni Toni Fowler sa kanya

- Ani Toni Fowler, hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo'

- Sa kanyang bagong vlog ay nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi

- Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank

- Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Na-stress si Lovi Poe matapos siyang mapaniwala na totoong nagmamaldita si Toni Fowler sa set at nakikipag-away sa kanilang direktor. Sa bagong vlog ni Toni ay na-prank niya si Lovi.

Read also

Vanessa Raval sa kanyang ama: "Yung ginawa mo sakin hindi ko matatanggap"

Lovi Poe, na-stress sa 'Attitude prank" ni Toni Fowler sa kanya
Lovi Poe, na-stress sa 'Attitude prank" ni Toni Fowler sa kanya (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ani Toni, dati pa niya talaga gustong ma-prank si Lovi. Kaya naman nang makakita ng pagkakataon ay nagpaalam siya kay Coco Martin tungkol sa kanyang balak. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi nito kakayaning hindi matawa kapag magpaprank.

Kaya naman, ang isa pang direktor nila ang nakipagtulungan para mapaniwala si Lovi sa kanilang sagutan ni Toni.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel