Vanessa Raval sa kanyang ama: "Yung ginawa mo sakin hindi ko matatanggap"

Vanessa Raval sa kanyang ama: "Yung ginawa mo sakin hindi ko matatanggap"

- Naglabas ng saloobin si Vanessa Raval kaugnay sa mga komento umano ng iba na hindi naman daw siya anak ni Jeric Raval

- Aniya, wala namang naitulong sa kanya ang tatay niya at hindi daw sila nakaranas ng pagmamahal mula sa ama nila

- Dagdag pa niya, inahon niya ang sarili niya nang hindi humingi ng tulong sa ama

- Nabanggit niya rin na walang ginawa ang kanyang ama para ipagtanggol siya o linawin ang tungkol sa isyung umano ay sinabi nito na hindi niya anak si Vanessa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Vanessa Raval ng kanyang sama ng loob sa mga komento ng ilang netizens na nagsasabing hindi naman siya anak ni Jeric Raval dahil umano ay itinanggi siya nito. Nabanggit niya rin na walang ginawa ang kanyang ama para ipagtanggol siya o linawin ang tungkol sa isyung ito.

Read also

Michael V, pinabulaanan ang balitang inalok siyang maging host ng Eat Bulaga

Vanessa Raval sa kanyang ama: "Yung ginawa mo sakin hindi ko matatanggap"
Vanessa Raval sa kanyang ama: "Yung ginawa mo sakin hindi ko matatanggap" (Vanessa Raval)
Source: Facebook

Dagdag pa ni Vanessa, hindi siya humingi ng tulong nang iahon niya ang sarili at aniya ay hindi naman sila nakatikim ng pagmamaahal mula sa kanyang ama.

Mahal namin yung tatay namin pero hindi kami nkaranas ng pag mamahal dyan. Tuloy nya lang pag tanggi sakin at napaka dali din naman i-tanggi sya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang lumabas ang tungkol sa balitang ito matapos ang kanyang pag-viral na aniya ay ginawa lamang niya para maipagtanggol ang taong mahalaga sa kanya.

Si Vanessa Raval ay nakilala bilang anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala din siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Read also

Pen Medina, nagpasalamat sa partner niyang hindi siya iniwanan nang magkasakit siya

Nagsalita si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel