Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya

Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya

- Nagsalita na si Vanessa Raval kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook

- Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post

- Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan

- Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinanggi ni Vanessa Raval na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post sa Facebook kaugnay sa rapper na hindi umano siya tinitigilan sa chat. Nagpaunlak siya ng isang panayam sa Abante News Online.

Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya
Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Ikinuwento ni Vanessa na hindi na nakapag-chat sa kanya ang naturang rapper dahil agad niya umanong binlock.

Sikat umano sa mundo ng FlipTop ang rapper na kanyang tinutukoy.

Read also

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

Sa kanyang naunang post, sinabi niyang hindi naman siya maaring magbanggit ng pangalan dahil kahit nasa tama umano siya ay maari siyang makasuhan. Ito ang kanyang sagot sa hamon ni Skusta na ilabas kung sino ang kanyang ka-chat.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval. Kahit hindi pa siya pumapasok sa mundo ng showbiz, nakilala siya sa pagiging isang content creator at TikToker at mayroon na ring libo-libong followers sa kanyang ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Matatandaang sinabi ni AJ na hindi umano totoong buntis siya kagaya sa mga lumabas na bali-balita. Mariin niyang itinanggi ang balitang may pelikula siyang hindi natapos sa kadahilanang buntis umano siya. Gayunpaman, nilinaw niyang nagpositibo siya sa COVID-19. Tahimik pa rin ang kampo ni Aljur Abrenica kaugnay sa isyu.

Read also

Skusta Clee, nagsalita na: "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin"

Kamakailan ay binahagi ni Vanessa ang naging pag-uusap nila ng hindi niya pinangalanang rapper. Makikita sa binahaging screenshots ni Vanessa na niyaya siya nito na makipagkita sa kanya. Gayunpaman, nilinaw ni Vanessa na may boyfriend siya at aniya ay hindi maganda na makipagkita siya dito. Matatandaang naging usap-usapan ang post ni Vanessa kaugnay sa isang rapper na hindi umano siya tinatantanan sa chat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel