Skusta Clee, sinabihan si Vanessa Raval na ibunyag kung sino ang ka-chat niya

Skusta Clee, sinabihan si Vanessa Raval na ibunyag kung sino ang ka-chat niya

- Nag-post si Skusta Clee ng isang open letter para kay Vanessa Raval kaugnay sa post nito

- Aniya, nakita niya ang post at marami sa netizens ang nag-uugnay sa kanya sa naturang post

- Hiniling niyang ibunyag umano ni Vanessa kung sino ang kanyang ka-chat at naghihintay umano siya

- Matatandaang naging usap-usapan si Skusta Clee matapos ang naunang post ni Vanessa kung saan sinabi niyang isang rapper ang hindi siya tinatantanan sa chat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Skusta Clee para maging fair sa lahat, hiling niyang ilabas ni Vanessa Raval kung sino umano ang ka-chat niya. Aniya, nakita niya ang post at marami sa netizens ang nag-uugnay sa kanya sa naturang post.

Skusta Clee, sinabihan si Vanessa Raval na ibunyag kung sino ang ka-chat niya
Skusta Clee, sinabihan si Vanessa Raval na ibunyag kung sino ang ka-chat niya (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Facebook
Ms. Vanessa Raval,
I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone-- meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan?

Read also

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

I'll be waiting.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Skusta Clee, sinabihan si Vanessa Raval na ibunyag kung sino ang ka-chat niya
Skusta Clee, sinabihan si Vanessa Raval na ibunyag kung sino ang ka-chat niya (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Facebook

Matatandaang naging usap-usapan si Skusta Clee matapos ang naunang post ni Vanessa kung saan sinabi niyang isang rapper ang hindi siya tinatantanan sa chat. Naibahagi din ni Vanessa ang screenshot ng chat nila ng tinutukoy niyang rapper.

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Samantala, sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Read also

Skusta Clee, nagsalita na: "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin"

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel