Skusta Clee, nagsalita na: "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin"

Skusta Clee, nagsalita na: "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin"

- Sinabi ni Daryl Ruiz o mas kilala sa tawag na Skusta Clee na ginagamit lang umano ang kanyang pangalan

- Wala itong binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy niyang gumagamit sa pangalan niya ngunit kasalukuyang nasa popular topic siya sa social media

- Ito ay matapos mag-post ang kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval kaugnay sa umano'y sikat na rapper na hindi siya tinitigilan sa chat

- Wala din itong binanggit na pangalan ngunit marami sa kanila ang kaagad na nag-ugnay kay Skusta sa post na ito ni Vanessa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Skusta Clee sa umano'y gumagamit ng kanyang pangalan. Wala itong binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy niyang gumagamit sa pangalan niya ngunit kasalukuyang nasa popular topic siya sa social media.

Skusta Clee, nagsalita na; "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin"
Skusta Clee, nagsalita na; "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin" (@extraordinaryl)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook account ay nilabas ni Skusta ang kanyang saloobin.

Read also

Vanessa Raval, muling itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa post niya

Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin ‍♂️ aasim nyo uy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Skusta Clee, nagsalita na; "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin"
Skusta Clee, nagsalita na; "Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin" (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Facebook

Matapos mag-post ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval kaugnay sa umano'y sikat na rapper na hindi siya tinitigilan sa chat, marami sa mga netizens ang nag-ugnay kay Skusta sa isyu.

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Samantala, sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Read also

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel