Skusta Clee, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "panget mo sumayaw" post

Skusta Clee, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "panget mo sumayaw" post

- Sa post ni Skusta Clee sa Facebook, wala naman itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw"

- Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post

- Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab Harake ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts

- Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapang muli si Skusta Clee sa social media matapos ang kanyang post sa Facebook. Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post na "panget mo sumayaw."

Skusta Clee, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "panget mo sumayaw" post
Skusta Clee, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "panget mo sumayaw" post (@extraordinaryl)
Source: Instagram

Wala naman itong binaggit na pangalan ngunit, agad na ikinaintriga ng netizens ang post nito. Maging sa Twitter ay binahagi ng netizens ang screenshot ng kanyang Facebook post na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 27K ang "haha" reacts. Umabot naman sa mahigit limang libong beses itong na-share sa FB.

Read also

Pinay na ilang taong 'di nakauwi, halos di bitawan ng ina nang siya'y muling mayakap

Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab Harake ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Matatandaang matapos lumabas ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab Harake, umani man ng pambabatikos, may mga netizens pa rin na bumilib sa talento ni Skusta Clee sa nilabas na music video ng bago nilang kanta ng kapwa niya rapper na si Gloc-9. Umabot sa top 3 trending videos sa YouTube ang music video ng kanilang kantang pinamagatang "Kumpisal".

Samantala, sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel