Pen Medina, nagpasalamat sa partner niyang hindi siya iniwanan nang magkasakit siya

Pen Medina, nagpasalamat sa partner niyang hindi siya iniwanan nang magkasakit siya

- Emosyonal si Pen Medina nang magpasalamat siya sa mga taong hindi siya iniwan noong nasa banig siya ng karamdaman

- Sa panayam sa kanya ni Julius Babao sa YouTube channel nito muling binalikan ng batikang aktor ang kanyang pinagdaanan

- Nagpasalamat siya sa Panginoon dahil sa kabila ng kanyang naranasan ay nakatanggap siya ng aniya'y himala

- Pinasalamatan niya rin ang partner niyang si Tess Antonio na hindi daw siya iniwan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Pen Medina nang magbigay siya ng mensahe sa partner niyang si Tess Antonio nang siya ay magkasakit. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, pinasalamatan niya ang partner na hindi daw bumitaw kahit siya mismo nagsabi na itapon na lang daw siya sa ilog dahil ayaw niyang maging pabigat.

Pen Medina, nagpasalamat sa partner nyang hindi siya iniwanan nang magkasakit
Pen Medina, nagpasalamat sa partner nyang hindi siya iniwanan nang magkasakit (Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube
Thank you kasi malaking sakripisyo yung nangyari. Saka hindi siya bumitaw kahit na ako na mismo yung nagsabi na okay lang, sige. Itapon mo na ako sa ilog pag walang nangyari dito pag hindi ako lumakas ayoko maging pabigat. Hindi naman ako tinapon sa ilog. Binigyan ako ng salbabida.

Read also

Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang"

Nagpasalamat siya sa Panginoon dahil sa kabila ng kanyang naranasan ay nakatanggap siya ng aniya'y himala sa pamamagitan ng mga dumagsang tulong mula sa mga tao hindi lamang mula sa mga kamag-anak kundi maging mula sa mga taong hindi niya personal na kakilala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Crispin "Pen" Parungao Medina Sr. ay isang Filipino actor na unang nakilala sa husay niya sa pag-arte sa teatro. Hanggang sa mapasama na rin siya sa mga palabas sa telebisyon at pelikula.

Matatandaang pinakita ni Ping Medina ang kalagayan ng kanyang ama na si Pen Medina. Nag-post siya na kumatok sa mga mabubuting puso ang pamilya Medina para sa pagpapagamot ng ama nilang si Pen. Sinasabing mayroon itong Degenerative Disc Disease o (DDD) dahilan para siya ay mahirapang tumayo at umupo. Nakatakda na rin itong operahan sa kanyang spine sa Martes, Hulyo 19, 2022.

Samantala binunyag ni Pen na si Coco Martin ang may pinakamatinding tulong na naibigay sa kanya sa pagpapa-opera ng spine. Matatandaang humingi ng tulong ang pamilya noon ni Pen na aminadong tinamaan din ng hagupit ng pagsubok ng pandemya. Bukod dito, kasama rin ngayon si Pen sa teleserye ni Coco na FPJ's Batang Quiapo. Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Pen kay Coco na patuloy na tumutulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel