Ping Medina, ipinakita ang kalagayan ng ama na si Pen Medina

Ping Medina, ipinakita ang kalagayan ng ama na si Pen Medina

- Ipinakita ni Ping Medina ang kalagayan ng kanyang ama na si Pen Medina

- Kamakailan lamang, kumatok sa mga mabubuting puso ang pamilya Medina para sa pagpapagamot ng ama nilang si Pen

- Sinasabing mayroon itong Degenerative Disc Disease o (DDD) dahilan para siya ay mahirapang tumayo at umupo

- Nakatakda na rin itong operahan sa kanyang spine sa Martes, Hulyo 19

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ping Medina ang kalagayn ng kanyang ama na si Pen Medina.

Ping Medina, ipinakita ang kalagayan ng ama na si Pen Medina
Ping Medina kasama ang amang si Pen (@pingmedina)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng maiksing video, ipinakita ni Ping kung paano nilalabanan ng kanyang ama ang kanyang karamdaman.

Matatandaang kamakailan lamang, nagsimulang mag-post ang pamilya Medina patungkol sa tulong na kanilang kinakailangan sa pagpapagaling ng 71-anyos na aktor.

Sinasabing mayroon itong Degenerative Disc Disease (DDD) na siyang dahilan kung bakit hirap siya ngayong tumayo at maging ang pag-upo.

Read also

Ruffa Gutierrez, binahagi ang kahalagahan ng pagkakatuto sa pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakatakda na rin umanong ma-operahan si Pen sa Martes, Hulyo 19.

"Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him,"

"We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet - literally and figuratively," ang bahagi ng social media post ng pamilya Medina.

Kaya naman bukod sa tulong pinansyal, humihingi rin sila dasal upang maging matagumpay ang operasyon.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Crispin "Pen" Parungao Medina Sr. ay isang Filipino actor na unang nakilala sa husay niya sa pag-arte sa teatro. Hanggang sa mapasama na rin siya sa mga palabas sa telebisyon at pelikula.

Read also

Ruffa Gutierrez, pinayuhan ang mga na-bully dahil sa naging pagkakamali

At dahil tila nasa dugo na nila ang sining at ang husay sa pag-arte, pumasok na rin sa pag-aartista ang kanyang mga anak na lalake. Ilan sa mga sumunod sa kanyang yapak ay sina Alex, Karl, Victor, Ping Medina.

Kamakailan ay gumulantang sa publiko ang kalagayan ni Pen kung saan hindi na ito makatayo o makaupo manlang.

Dahil dito, ilang mga kasama niya sa industriya ang tumulong na maibahagi rin sa kanilang social media ang pagkatok sa may mga mabubuting puso. Ilan sa kanila ay sina Sue Ramirez at Cherry Pie Picache.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel