Ruffa Gutierrez, binahagi ang kahalagahan ng pagkakatuto sa pagkakamali

Ruffa Gutierrez, binahagi ang kahalagahan ng pagkakatuto sa pagkakamali

- Sa tweet ni Ruffa Gutierrez, sinabi niyang hindi dapat ikatakot ang pagkakamali

- Aniya, natural lang na magkamali dahil tao lang tayo at hindi perpekto

- Ang mahalaga umano ay ang natutunan sa pagkakamali at aniya ay hindi tumatanda nang paurong

- Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan ang aktres matapos masangkot sa kontrobersiya kaugnay sa dalawang katulong na umano ay pinaalis sa isang village na tinulungan ng kaibigan ni Cong. Rowena Guanzon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Ruffa Gutierrez, hindi dapat katakutan ang pagkakamali dahil bilang tao ay natural lang na magkamali. Aniya, ang mahalaga umano ay ang natutunan sa pagkakamali at aniya ay hindi tumatanda nang paurong.

Ruffa Gutierrez, binahagi ang kahalagahan ng pagkakatuto sa pagkakamali
Ruffa Gutierrez, binahagi ang kahalagahan ng pagkakatuto sa pagkakamali (@iloveruffag)
Source: Instagram
We all have bad days. Don’t be afraid to mess up. We’re human and certainly not perfect. Ang importante we gain wisdom, strength and hindi tayo tumatanda ng paurong. Happy Saturday!

Read also

Madam Kilay, ibinida ang kanyang before and after picture

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan ang aktres matapos masangkot sa kontrobersiya kaugnay sa dalawang katulong na umano ay pinaalis sa isang village na tinulungan ng kaibigan ni Cong. Rowena Guanzon. Ito ang naging simula ng kanilang paglabas ng saloobin sa social media na kinalaunan ay inalmahan din ni Annabelle Rama.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya. Nagtanong pa ito na baka nagpapansin lang ang kanyang pinatutungkulang tao para mapasali sa Maid in Malacañang.

Read also

Ruffa Gutierrez, pinayuhan ang mga na-bully dahil sa naging pagkakamali

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksiyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya. Matatandaang nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel