Pen Medina, emosyonal na pinasalamatan si Coco Martin: "Napakalaking utang na loob"

Pen Medina, emosyonal na pinasalamatan si Coco Martin: "Napakalaking utang na loob"

- Ibinunyag ni Pen Medina na si Coco Martin ang may pinakamatinding tulong na naibigay sa kanya sa pagpapa-opera ng spine

- Matatandaang humingi ng tulong ang pamilya noon ni Pen na aminadong tinamaan din ng hagupit ng pagsubok ng pandemya

- Bukod dito, kasama rin ngayon si Pen sa teleserye ni Coco na FPJ's Batang Quiapo

- Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Pen kay Coco na patuloy na tumutulong sa kanya ay sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Pen Medina nang mabigyan ng pagkakataong makapagpasalamat kay Coco Martin sa Grand Media launch ng bago nilang serye na FPJ's Batang Quiapo.

Pen Medina, emosyonal na pinasalamatan si Coco Martin; "Napakalaking utang na loob"
Pen Medina (Kapamilya Circle)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isiniwalat ni Pen na si Coco Martin ang nagbigay sa kanya ng pinakamatinding tulong nang kailanganin niyang magpa-opera ng spine noong nakaraang taon.

Read also

Ogie D, ibinahagi ang dating guesting ni Harry Roque sa Wowowin: "Eto papanood namin sa inyo"

Matatandaang humingi noon ng tulong ang pamilya ni Pen na aminadong sinubok din ng pandemya.

Hindi nagdalawang-isip si Coco na tulungan si Pen at kanyang pamilya na naging daan ng kanyang pagbabalik showbiz ngayon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yun pong pagpapa-ospital ko sa gulugod, sa spine, pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco. Kaya noong lumabas ako, as early as August [2022], nagpasalamat ako sa kanya. Tinext ko siya para magpasalamat ng personal," ang bahagi ng pahayag ni Pen.

At ngayon nakapagpahinga na siya at muling nagpalakas, isa rin siya sa napili ni Coco na mabigyang oportunidad na bumalik sa showbiz.

"Tito Pen, kaya mo na ba? Malakas ka na ba? Mag-taping tayo para hindi ka mainip sa bahay. Gano'n kasimple. Kaya tuwang-tuwa ako. Napakalaking bagay nito sa akin at sa aking pamilya. I love you, I love you Coco. Napakalaking utang na loob," ani Pen.

Read also

Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Kapamilya Circle:

Si Crispin "Pen" Parungao Medina Sr. ay isang Filipino actor na unang nakilala sa husay niya sa pag-arte sa teatro. Hanggang sa mapasama na rin siya sa mga palabas sa telebisyon at pelikula.

At dahil tila nasa dugo na nila ang sining at ang husay sa pag-arte, pumasok na rin sa pag-aartista ang kanyang mga anak na lalake. Ilan sa mga sumunod sa kanyang yapak ay sina Alex, Karl, Victor, Ping Medina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel