Ogie D, ibinahagi ang dating guesting ni Harry Roque sa Wowowin: "Eto papanood namin sa inyo"

Ogie D, ibinahagi ang dating guesting ni Harry Roque sa Wowowin: "Eto papanood namin sa inyo"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y pinaghuhugutan ngayon ng publiko na umalma sa naging pahayag ni Willie Revillame

- Ito umano ay patungkol sa pagtatapos ng ilang shows sa ALLTV at pamamahinga pansamantala ng AMBS

- Nasabi ni Willie na 'i-set aside ang pulitika' sa kanyang pahayag, bagay na inalmahan ng marami

- Naiugnay tuloy ng marami ang dati nitong interview kay Atty. Harry Roque na umano'y nagbiro sa pagkakatanggal ng prangkisa ng ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y 'resibo' ng mga netizens sa pagpuna ng mga ito sa nasabi ni Willie Revillame kamakailan.

Ogie D, ibinahagi ang guesting ni Harry Roque sa Wowowin; "Eto papanood namin sa inyo"
Atty. Harry Roque at Willie Revillame ( Wowowin)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ito ay ang naging pahayag ni 'Kuya Wil' sa pagtatapos ng ilang mga palabas ng ALLTV at ang matunog umanong pamamahinga pansamantala ng AMBS2 kung saan nasabi nito na 'i-set aside ang pulitika.'

Read also

Cristy, sa paghingi ng tawad ni Willie: "Sa susunod maniniwala pa ba kami sa'yo?"

Ang naturang pahayag ang inalmahan ng marami bagay na mabilis na naignay ng netizens sa mga nasabi ni Atty. Harry Roque nang maging guest siya ni Willie sa Wowowin.

"So kumalat din kasi 'yung guesting ni Attorney Harry Roque kay Willie, hindi niyo pa napapanood yun? Eto papanood namin sa inyo," ani Ogie Diaz upang mas malinawan umano ang publiko sa mga naglalabasang komento ng netizens patungkol kay Willie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"First time po na sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw ang napapanood sa buong bansa. Alam mo duda ko, kaya 'yung isa nawalang prangkisa ikaw may kakagawan niyan e. Ohh... Aminin!"

Ito ang ang pabirong nasabi ni Harry Roque habang si Willie ay nanatiling tumatawa at wala na umanong nasabi.

"So dun nanggagaling yan Loi. Na sinasabi ni Willie na i-set aside yung politics. Pero bilang patotoo, dinukot nga yung kay Harry Roque na wala namang sinabi si Willie, nagtawa pa," ani Ogie.

Read also

Cristy Femin, naawa pa rin kay Willie Revillame nang makausap niya ito

"Wala raw sinabi si Willie na depensa sa ABS-CBN. Bilang doon din naman siya nanggaling noong araw. Walang narinig sa kanya so bakit daw ngayon parang si Willie e andaming kuda," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Matatandaang minsan na ring natalakay nina Ogie D at Mama Loi sa kanilang channel ang tungkol sa kontrobersyal na pagtatapos ng Darna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel