Cristy Femin, naawa pa rin kay Willie Revillame nang makausap niya ito

Cristy Femin, naawa pa rin kay Willie Revillame nang makausap niya ito

- Nasabi ni Cristy Fermin na nangibabaw umano ang awa niya kay Willie Revillame nang makausap niya ito

- Ito ay matapos ang naging kontrobersyal na umano'y patutsada ng 'Wowowin' host at isa rito ay patungkol kay Cristy

- Aminado naman si Cristy na nasaktan sa nangyari subalit nang malaman din ang pinagdaraanan ngayon ni Willie ay naawa siya rito

- Maingay ngayon ang pangalan ni Willie Revillame matapos na mapabalita ang pagsasara ng ilang shows sa ALLTV subalit 'di kasama rito ang 'Wowowin'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos na magkausap nina Cristy Fermin ay Willie Revillame, inamin ng host ng Showbiz Now Na! na awa ang nangibabaw sa kanya sa pag-uusap na ito.

Cristy Femin, nangibabaw umano ang awa kay Willie Revillame nang makausap niya ito
Cristy Femin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol sa naging isyu ng umano'y panunumbat sa mga taong hindi noon pinangalanan ni Willie.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Aminado mang nasaktan sa nabitawang mga salita ni Willie, tila may lumitawa na awa pa rin mula kay Cristy sa pinagdaraanan ngayon ni Willie.

"'Yung sakit mga ka-chika, mga kapatid na ako'y nasaktan. Sampu ng aking mga kasama na nirolyohan din ni Willie Revillame ng kung ano-anong panunumbat sa kanyang mga kasama sa programang Wowowin. Pero nung magkausap na kami, naawa na akong bigla sa kanya," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ito umano ay dahil sa mga nangyayari sa bagong network na kinabibilangan nito.

"Naawa ako sa kanya kasi todo pa rin ang kanyang pagtatanggol sa AMBS 2 sa ALLTV," ani Cristy.

"Kasi daw, madalas siyang tumatawag sa ehekutibo ng AMBS2, ayaw daw siyang kausapin," dagdag pa nito.

Gayunpaman, naglabas din siya ng saloobin sa lumabas na umano'y panunumbat ni Willie sa mga naitulong nito noon pa man sa kanyang tinatawag na "Nanay Cristy."

Read also

Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na!:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel