Willie Revillame, hindi sasabay sa mga noontime shows ayon kay Cristy Fermin

Willie Revillame, hindi sasabay sa mga noontime shows ayon kay Cristy Fermin

- Iwas sa mga noontime shows ang magiging time slot ng programa ni Willie Revillame sa AMBS

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Nabanggit ito ni Cristy Fermin at sinabing primetime ang kukuning oras umano ng Wowowin host

- Maging ang mga pangalan ng kanyang programa na Wowowin at Tutok to Win ay gagagamitin pa rin niya

- Bukod dito, nabanggit ding marami pa umanong mga bigating pangalan ang inaasahang mapanood sa network na pagmamay-ari ni Manny Villar

Hindi umano makikipagsabayan sa mga noontime shows ang magiging programa ni Willie Revillame sa Advanced Media Broadcasting System o AMBS.

Willie Revillame, hindi sasabay sa mga noontime shows ayon kay Cristy Fermin
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin at dalawa niyang co-host sa Showbiz Now Na!

Read also

Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit sa halip ng pumagitna

Wowowin at Tutok to Win pa rin ang magiging pangalan ng programa ni Willie sa network na pagmamay-ari ni Manny Villar.

"Ang sabi ni Willie, ibinigay na ng GMA 7 sa kanya 'yung mga views, 'Yung mga accounts. Lahat ibinigay sa kanya. Akala ng iba papalitan pa pagdating ng AMBS. Hindi na pala. Sa kontrata pala niya nakalagay na sa kanya ang titulong 'Wowowin, Tutok to Win," paglilinaw ni Cristy.

Doon din nila nabanggit na sa primetime mapapanood si Willie, taliwas sa inaakala ng marami na tatapat ito sa mga noontime shows na Eat Bulaga, It's Showtime, at LOL. Ito ay dahil ayaw na raw nitong makigulo sa noontime na nilarawan ni Cristy na punong-puno na umano.

Narito ang kabuuan ng chikahan nina Cristy Fermin, Romel Chika At Morly Alinio mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Cristy Fermin, sinabing sina Korina at Noli ang ilan sa mga umano'y nakikipag-usap na sa AMBS

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Sa pinakabagong episode din ng SNN, nabanggit ni Cristy ang umano'y pakikipag-usap nina Noli De Castro at Korina Sanchez sa AMBS.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel