Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit sa halip ng pumagitna

Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit sa halip ng pumagitna

- Kinaaliwan si Anne Curtis sa kanyang pagkabulol nang basahin niya ang nasa teleprompter nila sa 'It's Showtime'

- Ito ay nang sabihan niya si Vice Ganda na pumagitna na para sa susunod na round ng kanilang segment na Ms. Q & A

- Nagulat naman si Vice nang marinig ang sinabi ni Anne at pabirong sinakal si Anne

- Maging ang mga netizens ay tawang-tawa sa eksenang ito sa unang araw ng pagbabalik ng Ms. Q & A

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Anne Curtis matapos niyang mabulol sa pagbigkas ng "pumagitna" sa episode ng It's Showtime ngayong araw. Imbes na pumagitna ay pumangit ang kanyang nasabi sa kanyang "sisterette" na si Vice Ganda.

Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit imbes na pumagitna
Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit imbes na pumagitna (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Agad namang napalingon sa kanya si Vice nang marinig ang kanyang sinabi at pabirong sinakal si Anne. Agad namang nagpaliwanag si Anne na nahirapan siyang basahin ang salita.

Read also

Vice Ganda, binanggit ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa 'It's Showtime'

Tawa din nang tawa sina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Maging ang mga studio audience ay hindi mapigilan ang kanilang tawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Nakatawa gud ko sa "Sisterette, pumangit ka na!"
"Pumangit kana" hahah! Anne Curtis pumagitna kasi yun ano ba
Savage ka ni Mammii Anne Curtis for today's video meme @vicegandako! Haha

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral

Kinaaliwan ang video ni Ethel Booba kamakailan kung saan pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak. Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak.

Matatandaang nabanggit ni Vice Ganda sa isang episode ng 'It's Showtime' ang tungkol sa taong umano'y nakikisali. Aniya, may tao silang napag-usapan na nagpaparinig kahit hindi naman umano ito kasali sa isyu. Hirit naman ng kanyang co-host, pag close lang pwedeng makisali sa isyu nila. Wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda pero base sa reaksiyon ng kanyang mga kasamahan ay kilala nila ang tinutukoy ni Vice Ganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel