Vice Ganda, nagbiro tungkol sa taong umano'y nagpaparinig at nakikisali

Vice Ganda, nagbiro tungkol sa taong umano'y nagpaparinig at nakikisali

- Nabanggit ni Vice Ganda sa episode ngayong araw ng 'It's Showtime' ang tungkol sa taong umano'y nakikisali

- Aniya, may tao silang napag-usapan na nagpaparinig kahit hindi naman umano ito kasali sa isyu

- Hirit naman ng kanyang co-host, pag close lang pwedeng makisali sa isyu nila

- Wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda pero base sa reaksiyon ng kanyang mga kasamahan ay kilala nila ang tinutukoy ni Vice Ganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbiro si Vice Ganda tungkol sa isang taong aniya'y nakikisali. Aniya tungkol ito sa isang taong nagpaparinig gayong hindi naman kasali sa isyu.

Vice Ganda, nagbiro tungkol sa taong umano'y nagpaparinig at nakikisali
Vice Ganda, nagbiro tungkol sa taong umano'y nagpaparinig at nakikisali (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa episode ngayong araw ng It's Showtime, nabanggit ni Vice ang tungkol sa taong hindi na niya pinangalanan. Napag-usapan umano nila ng kasamahan sa group chat nila. Aniya, hanga sila sa taong ito na nagpaparinig kahit hindi kasali sa isyu. Hirit naman ng kanyang co-host, pag close lang pwedeng makisali sa isyu nila.

Read also

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

“Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha? May mga kilala tayo nakikisali eh. Ba't ka nagpaparinig di ka naman kasali."
Hanga tayo dito noh? Nagpaparinig siya hindi naman siya kasali sa issue.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Kinaaliwan ang video ni Ethel Booba kamakailan kung saan pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak. Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel