Vice Ganda, nasampolan ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro

Vice Ganda, nasampolan ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro

- Si Vice Ganda ang naging pinaka-emosyonal sa sorpresang pagbabalik ni Jhong Hilario sa It's Showtime nitong Sabado

- Naibahagi niyang matagal niyang pinangarap na mabuong muli ang kanyang It's Showtime family

- Gayunpaman, hindi ito nakaligtas sa biro ni Jhong kasama si Vhong Navarro na dati pa nitong kakuntsaba sa pagbibiro nila kay Vice Ganda

- Muli nilang binuhat si Vice sa pamamagitan ng paghawak-kamay nilang dalawa sa gitna ng binti ni Vice at pagbuhat sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro nitong Sabado. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Vice Ganda, nasampolan ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro
It's Showtime hosts (@teddspotting)
Source: Instagram

Noon pa man ay ginagawa na nina Vhong at Jhong ang physical hosting na ito kay Vice kung saan, binuhat nila si Vice sa pamamagitan ng paghawak-kamay nilang dalawa sa gitna ng binti ni Vice at pagbuhat sa kanya.

Read also

Kylie Padilla, nabanggit na hiwalay na rin si Max Collins kagaya niya

Narito ang ilan sa komento ng mga manonood:

Ito n yung pinakahihintay ko na mangyari sa showtime..kahit hndi man ako mkapanuod ng live dahil sa work kahit reply n lng sa gabi my time talaga ako manuod kahit antok na..nkakawala ng stress ung kulitan ng showtime family...thank u for the happiness showtime fam.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Complete na sila. Perfect combination ng showtime hosts, wala ng kailan pang iba!
Tears of Joy talaga. grabe ! sa wakas complete na uli sila. Hataw na uli ang katatawanan at kasayahan sa show time. GodBless showtime.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime. Bago siya tuluyang nagpahinga sa showbiz, naging kabilang siya ng programang Your Face Sounds Familiar.

Read also

Moira Dela Torre, hinangaan dahil sa prefessionalism nito sa live performance niya

Matatandaang napagpasyahan niyang tumigil muna sa showbiz dahil iniisip niya ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagtigil sa paglabas sa kanyang mga TV shows, nakakapaghatid parin ng aliw ang TV host lalo pag ibinabahagi niya ang mga pictures ng kanyang anak. Hindi naman maitago ng dating kasamahan niya ang pagkakamiss sa kanya lalo na si Ryan Bang.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Jhong at masayang masaya siya sa kaarawan niya dahil sa kanyang anak na si baby Sarina. Nagkaroon naman ng reunion ang Streetboys tulungan si Jhong sa pangangampanya nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel