The Streetboys, tila nagkaroon ng reunion sa kampanya ni Jhong Hilario

The Streetboys, tila nagkaroon ng reunion sa kampanya ni Jhong Hilario

- Tila nagkaroon ng reunion ang ilang miyembro ng The Streetboys nang sila ay magkita-kita sa Makati

- Ito ay dahil sa kampanya nila sa kasamang si Jhong Hilario na tumatakbo bilang konsehal ng Makati City

- Kasama ni Jhong sa entablado ang kapwa niya 'It's Showtime' host na si Vhong Navarro

- Makalipas ang halos tatlong dekada nilang pagsasama-sama, nanatili pa rin ang mabuting pagkakaibigan nilang lahat

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinagiliwan ng netizens ang ang muling pagsasama-sama ng 90's dance group na 'The Streetboys.'

The Streetboys, tila nagkaroon ng reunion sa kampanya ni Jhong Hilario
The Streetboys, tila nagkaroon ng reunion sa kampanya ni Jhong Hilario (Jhong HIlario)
Source: Facebook

Tila nagkaroon sila ng instant reunion nang magpaunlak silang sumayaw sa entablado sa Makati bilang bahagi ng pagsuporta kay Jhong Hilario. Siya ay tumatakbo muli bilang konsehal ng nasabing lungsod.

Sinayaw nila ang medley ng ilang 90's dance hits na tila hindi umano kumukupas.

"Reunion!!! Supporting brother councilor Jhong Hilario About last night. Ang saya! The StreetBoys family volt in!"

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama rin ni Jhong ang kapwa niya 'It's Showtime' host na si Vhong Navarro at maging ang Hashtag member na si Zeus Collins ay nagpasaya sa entablado ng Makati bilang suporta kay Jhong na kasama nila sa nasabing noontime show.

Samantala, narito ang kabuuan ng kanilang video:

Si Jhong Hilario ay isa sa mga host ng noontime show na It's Showtime. Mas nakilala siya sa pagiging "sampol king" kung saan nagpapaunlak siya ng sayaw sa nagri-request.

Nagba-viral din ang mga video ng makulit niyang pangangampanya at pagha-house-to-house sa iba't ibang barangay ng Makati City.

Sa kanyang pinakabagong post, pinasalamatan niya ang kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa tiwala at suporta umano nito sa kanyang kandidatura.

Bukod dito, madalas ding ibahagi ni Jhong ang bonding moments nila ng kanyang baby girl na si Sarina.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Samantala, isa rin sa mga host ng It's Showtime ay si Vice Ganda na nasabihan umano ng batikang entertainment reporter na Cristy Fermin ng 'duwag.'

Ayon kay Cristy, Hindi pa umano mapangalanan ng komedyante ang tinutukoy nito na pawang ang pagiging isang internet troll ang kabuhayan.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Vice sa isang kakilala niya na bagama't alam niyang mabait, subalit dala ng hirap ng buhay ay naging isa na umanong internet troll.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel