Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

- Nagulat si Herlene 'Hipon Girl' Budol nang malamang siya ang naging daan upang makita muli ang lolo na hinahanap ng kanyang pamilya

- Dahil sa post ni Herlene na tumutulong sa iba't ibang retirement home, nakita ang lolo ng isa sa nakakakilala sa kanya

- Kaya naman labis din ang saya ni Hipon na hangad na tuluyan nang makasama ng lolo ang kanyang pamilya

- Bahagi si Herlene ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 na ang coronation night ay gaganapin sa Hulyo 31

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naantig ang puso ni Herlene "Hipon Girl" Budol, nang malaman niyang naging daan siya upang makitang muli ang lolo ng pamilya nito na inakalang patay na siya.

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya
Herlene "Hipon Girl" Budol (Herlene HIpon Budol)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dahil naibahagi ni Herlene ang mga larawan, may nakakilala sa lolo at masayang nakita ito na buhay pa.

Read also

Honor student, emosyonal sa kanyang graduation nang biglang sumulpot ang inang OFW

Ayon sa netizen na nagkomento, kakilala umano niya ang matanda. Naglayas daw ito at sa tagal, inakala nilang ito'y namayapa na.

Kaya naman ganoon na lamang ang saya ni Herlene gayung hindi lamang siya nakatulong sa mga matatanda sa retirement home, may mabibigyan pa siya ng pagkakataong makasama mulo ang kanyang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"OMG..tumaas po balihibo ko. akalain mo yung sa simpleng pag tulong ko ay may isang pamilya tayo mapagbubuklod buklod at muling makakasama ang isa't isa. gusto ko etong ma witness at ma meet yung nag comment at kasama uli si Tatay sa Missionaries of the Poor."

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon Girl" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Gina Pareño, nilinaw ang pag-amin sa pagiging LGBT; "I’m all woman! Hello!"

Sa ngayon, isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 si Herlene bilang kinatawan ng Angono, Rizal.

Sa kalagitnaan nga ng nasabing pageant ay sinubok si Herlene dahil sa pagpanaw ng kanyang lola.

Subalit iyon ang nagsilbing inspirasyon at pinaghugutan niya ng lakas upang abutin pa ang kanyang mga pangarap.

Kamakailan, nakatapos na rin si 'Hipon Girl' ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel